^

Pang Movies

Erwan at Anne nag-picnic bago ikasal!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Picnic sa garden ang drama sa pre-wedding party nina Erwan Heussaff at Anne Curtis sa Queens­town, New Zealand kahapon. Nakaupo ang halos lahat ng guests nila sa damuhan base sa naglabasang photos sa Instagram.

Gawa ng international designer na si Vera Wang ang white dress na suot ng bride. Naka-boots siya with matching heart-shaped na glasses at naka-wig, huh! Suit naman ang suot ni Erwan with matching bowler hat.

Present sa affair si Solenn, sister ni Erwan, at hubby niyang si Nico Bolzico. Nandoon din ang It Girls na sina Georgina Wilson, Isabelle Daza at Bea Soriano. Nandoon din ang mag-asawang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho pati anak na si Scarlet. Dumalo rin ang childhood friends ni Anne na sina Danica Sotto-Pingris at Cheska Garcia-Kramer.

Bukod sa lambingan moments sa pre-wedding party, cheesy rin ang dating nina Angel Locsin at producer Neil Arce at ang lovers na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, huh!

Ngayong araw na ito, November 12, ang kasal nina Erwan at Anne! And that’s ano­ther story, huh!

Minadali…Sharon-Robin movie may playdate na

Kung si Sharon Cuneta ay nagsimula nang i-promote ang reunion movie nila ni Robin Padilla, isinisingit pa rin ng Action King ang pagtulong niya sa adbokasiya niyang Tindig Marawi.

Marami nga ang nag-akalang hindi aabot sa playdate ang pelikula ng dalawa. Pero heto na si Shawie na nag-announce na sa November 29 na mapapanood ang Cathy Garcia-Molina project.

Of course, doble ang effort nina Shawie at Binoe sa pagtatapos ng movie. Kaya malamang na photo-finish ang pagtatapos nito para maisalang sa sinehan sa Nov. 29.

Kabilang sa cast sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

AiAi mga pagkaing bawal ang birthday gift sa sarili

Pumalya muna si AiAi delas Alas sa pagkain ng organic food. Niregaluhan kasi siya ng salted egg potato chips kaya nag-cheat day siya bilang kaarawan naman niya kahapon.

Ayon sa post ni AiAi, kakainin niya lahat ang pagkain na matagal na niyang hindi kinakain.

“Good luck sa tyan ko at sa allergy...Life is short YOLO wohooo,” bahagi ng caption ni AiAi.

Sa IG naman niya sa araw ng birthday ng Comedy Queen, meron siyang video collage ng pictures niyang kasama ang tatlong anak, fiancé na si Gerald Sibayan at adoptive mother niya. Nagpasalamat siya sa mga taong ito na naging bahagi ng kanyang journey.

“All of the  helped me to realize how meaningful and beautiful my life is...THANK YOU GOD you brought me into the world with a purpose to live share and be happy!”

Happy, happy birthday, AiAi!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with