^

Pang Movies

Libreng gamutan matagumpay na nairaos

Virgie F. Balatico - Pang-masa

MANILA, Philippines — Last September 17, 2017, Sunday, ginanap ang medical mission ng Actors Guild na pinamumunuan ngayon ni Imelda Papin. Nagkaroon ng libreng gamutan at pamimigay ng gamot para sa mga bata at matatanda. Nagkaroon din ng libreng paipin, salamin sa mata, at iba pa.

Siyempre ang kapatid ni Imelda ang punong abala sa pagbibigay ng mga reseta, si Doctor Rosendo Papin, Jr. Nag-umpisa ang medical mission ng alas-7 ng umaga at natapos ng 4:30 p.m.

Kabilang sa mga nakiisa sina Alma Concepcion, Emie Torres, Marissa Sanchez, Susan Henson, Gary Cruz, Amay Bisaya, at ibang member ng Actors Guild na naghandog pa ng mga awitin.

Ang ibang artista na dumating ay tumulong sa pagbibigay ng pagkain - almusal, tanghalian, at hapunan. Ang Social Security System (SSS) ay nagbigay din ng libreng tanggapan para sa samahan ng mga artista.

Dumating din ang bunsong kapatid ni Imelda na si Aileen Papin na umawait din. Siyempre hindi puwedeng hindi kumanta si Imelda. Siya rin ang abala sa pagbibigay ng mga award. Marami pang projects na gagawin si Imelda sa taong ito bilang presidente ng Actors Guild.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with