^

Pang Movies

May pinirmahang agreement mga imbitado sa Anne-Erwan wedding bawal magdaldal

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
May pinirmahang agreement mga imbitado sa Anne-Erwan wedding bawal magdaldal

Anne Curtis at Erwan Heussaff

Secret pala ang petsa ng kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff pero may narinig ako naka-schedule sa November 2017 ang altar date nila.

Sinabi ni Vhong Navarro na invited sa kasal nina Anne at Erwan ang mga host ng It’s Showtime at dadalo silang lahat.

Tumanggi si Vhong na sabihin ang exact wedding date nina Anne at Erwan. May pinirmahan daw sila na confidentiality agreement kaya hindi niya sinagot ang mga question ng mga reporter na nag-interbyu sa kanya sa thankgiving party ng Woke Up Like This noong Huwebes.

Pauleen kinaiingitan ang pagbubuntis

Mahigpit ang bilin ni Pauleen Luna na pasalubungan ko siya ng nougat kaya ito ang unang binili ko nang dumating ako sa Paris.

Isisilang ni Pauleen sa December 2017 ang panganay nila ni Vic Sotto pero may feeling ako na ngayon pa lamang siya naglilihi.

Actually, hindi nahirapan si Pauleen sa pagbubuntis dahil hindi nito naranasan na magkaroon ng morning sickness kaya kinaiinggitan siya ng ibang mga babae na dusa ang paglilihi.

Kasalang Vicki at Hayden may gatecrashers?!

Nabasa ko ang column ni Papa Ricky Lo tungkol sa mga invited at uninvited guests sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. na mangyayari ngayon sa American Church in Paris.

Knows ko ang mga imbitado sa Belo-Kho Nuptial kaya ang mga hindi invited ang iimbestigahan ko. Sinu-sino kaya sa mga social climber ang hindi imbitado pero malakas ang loob na pumunta at makihalubilo sa mga bisita?

Willie, Kris, at Rosselle uupong hurado rawsa Miss World

Si Arnold Vegafria ang producer at organizer ng Miss World Philippines 2017 kaya normal lang na ang mga alaga niya ang host sa coronation night na magaganap bukas sa Mall of Asia Arena.

Sina Carla Abellana, Iya Villania, at KC Montero ang mga host ng Miss World Philippines. May mga report na mga hurado sina Willie Revillame, Kris Aquino, at Roselle Monteverde sa beauty contest na sinalihan ni Winwyn Marquez.

Winwyn may soft spot sa puso ni Kris

May soft spot sa puso ni Kris Aquino si Winwyn Marquez na bagets pa nang magkaroon siya ng relasyon kay Joey Marquez.

Kung true ang mga report na judge si Kris sa Miss World Philippines, imposible na hindi sila magkita ni Joey dahil siguradong manonood ito bilang suporta kay Winwyn.

Sa mga nakarelasyon ni Kris, si Joey ang hindi niya kinakausap hanggang ngayon. Talagang pinagpistahan ng madlang-bayan ang love affair nila noong 2003 na headline ng mga primetime news program sa telebisyon. Eight years-old pa lang si Winwyn nang maging girlfriend si Kris ng tatay niya.

Secret wedding nina mark at Winwyn ‘di siniseryoso

I’m sure, mas kabado pa si Mark Herras kesa sa kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez.

Si Mark ang nagkumbinsi kay Winywn na mag-join sa Miss World Philippines dahil alam niya na matindi ang pagnanais ng kanyang girlfriend na ma­ging beauty queen.

Asahan natin na mangunguna si Mark sa pag-cheer sa pagrampa ni Winwyn sa stage ng Mall of Asia Arena. Ang pagsali ni Winwyn sa Miss World Philippines ang dahilan kaya hindi ko sineryoso ang tsismis noon na secretly married na sila. Paano sila magpapakasal eh sasali pa nga si Winwyn sa Miss World Philippines?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with