^

Pang Movies

Miss Universe Iris Mittenaera nagsalita na sa pagiging tibo!

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nilinaw na ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ang kumakalat na balitang isa siyang lesbian at meron daw itong babaeng lover.

Kumalat sa mga international website na baka raw si Iris ang kauna-unahang Miss Universe winner na openly gay.

Nagsimula ang lahat nang mag-viral ang photo ni Iris sa Instagram kung saan kayakap niya ang isang babae na nag­ngangalang Camille Cerf.

Sa isang interview ni Iris sa New York, kinlaro na nito ang kumakalat na balitang isa siyang tibo.

Ipinagdiinan pa ni Iris na meron siyang boyfriend na nag­ngangalang Matthieu Declerq.

“Camille is my best friend and I love my boyfriend Matthieu.

“I really love her, but I am not with her. She is not my girlfriend,” paglilinaw pa niya.

Dumating sa Pilipinas ang boyfriend ni Iris na si Matthieu noong Miss Universe pageant sa MOA Arena last January 30.

Tulad ni Iris, nag-aaral ng dental surgery si Matthieu sa France.

At kahit daw nakoronahan si Iris na Miss Universe, magkakaroon pa rin daw siya ng panahon para sa kanyang boyfriend.

“I will have time… I will find time don’t worry,” masayang pagtapos pa ni Iris Mittenaere.

Dingdong natuwang magpapakatatay muna

Dahil isang justice and peace advocate ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, masaya niyang tinanggap ang mag-host ng bagong show ng GMA-7 na Case Solved.

Magandang show daw ito dahil tutulong ito sa pag-educate ng televiewers tungkol sa crime prevention.

Mga sensational at controversial real-life cases ang ipi-feature ng Case Solved na mula sa files ng Philippines’ Supreme Court Reports Annotated (SCRA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), International Criminal Police Organization (Interpol) at Department of Justice (DOJ), Supreme Court and Bureau of Corrections.

Ito ang kapalit sa matatapos na primetime serye ni Dong na Alyas Robin Hood. Tama lang daw muna na tumanggap siya ng once-a-week taping para siya naman daw ang mag-alaga sa anak nila ni Marian Rivera na si Zia.

Madonna may bagong kambal galing Malawi

Natuloy na ang pag-aampon ni Madonna sa kambal na babae sa bansang Malawi.

Naayos na raw niya ang mga papers nito at naisama na niya ang mga ito sa pag-uwi sa New York City.

Pinost pa ng singer sa Instagram ang photo nila ng twins habang naglalakad na magkahawak-kamay. “‘I can officially confirm I have completed the process of adopting twin sisters from Malawi and am overjoyed that they are now part of our family.

“I am deeply grateful to all those in Malawi who helped make this possible and I ask the media please to respect our privacy during this transitional time. 

“Thank you also to my friends, family and my very large team for all your support and love!”

Ang pangalan ng twin girls ni Madonna ay Stella and Esther.

Kung matatandaan ay may inampon nang dalawang bata si Madonna sa Malawi. Una ay si David Banda at ang pangalawa ay si Mercy James.

Hindi nga raw makapaghintay si Madonna na makilala ng dalawa ang bago nilang mga kapatid.

vuukle comment

IRIS MITTENAERE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with