^

Pang Movies

Network, manager, at laboratoryo magkakasabwat daw: Radio DJ ibinukong may dayaan sa drug testing sa showbiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Network, manager, at laboratoryo magkakasabwat daw: Radio DJ ibinukong may dayaan sa drug testing sa showbiz
Mo Twister

Talagang maraming ibinubuko si Mo Twister sa kanyang podcast. Ngayon, ibinuko naman nila ng komedyanteng si Tart Carlos ang isang network na diumano nagpapadala ng text sa kanilang mga talent at sinasabing kung sila ay nagdo-droga, mabuti pa sabihin na nila dahil may mga doctor ang network na magtuturo kung papaano sila lalabas na negatibo sa droga kung dumating man ang isang random testing.

Dagdagan ko iyan ha. Mayroon namang isang talent manager na nagsasabi rin sa iba na ipa-test ang kanilang mga alaga sa isang private laboratory dahil “madali silang kausap at lalabas na negative iyan”.

So, lumalabas pala talaga na may dayaan sa nang­yayaring drug testing na iyan. Kaya tama ang sinasabi ng PNP na hindi nila tatanggapin ang mga hear say lang na drug testing, dahil hindi naman isi­na­­gawa iyan sa ilalim ng kanilang supervision. At saka puwede ba, kung talagang may suspetsa sa isang addict, huwag urinalysis. Gamitan iyan ng blood testing para malaman kung talagang hindi gu­magamit ng droga. Kailangang gawin din iyan ng PNP Crime lab, NBI o PDEA. Kung sa tabi-tabi lang iyan, huwag paniwalaan iyan. Hindi iyong sa government accredited lang na sinasabi nila. Kailangan isang government facility para legal.

Aktres na wholesome ang image, paboritong i-table sa Malate!

Natawa naman kami sa isa pang usapan noong presscon ng The Escort. Nasabi kasi ni director na si Enzo Williams na may mga kakilala siya at nakausap na mga tunay na escorts na siyang naging basehan niya nang gawin ang pelikula. Sa pelikula niya, naging escort si Lovi Poe, at isang dating escort din naman si Derek Ramsey. Tapos may nasabi pa siya na may mga dating escorts na nakapasok sa showbiz bilang mga artista.

Baliktarin natin ang istoryang iyon ha. Ilang artista naman ang nagsa-sideline bilang escorts? Ang escort na naging artista, isang sikat na female star ngayon na gumagawa ng teleserye, dati naman talagang escort iyan eh. Ang isa pang female star na nagpapaka-wholesome ng image ngayon, dating singer iyan sa isang bar sa Malate, at tume-table rin.

Huwag na rin nating pag-usapan ang mga male star ngayon na kahit na nga nakapasok na sa showbiz ay nananatiling mga escort pa rin. Buti nga kung escort lang. May mga naririnig kaming iba pa. Mas masahol pa nga eh.

Si Rosanna Roces nga hindi lang escort eh, nagdadala pa ng mga “escort” sa bilibid at inamin niya iyan. Magtataka pa ba kayo sa sinasabing may escorts na nakapasok sa showbiz?

vuukle comment

MO TWISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with