^

Pang Movies

Aktres hindi pinatatahimik ang actor na ex

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines –  May pasaring ang ate ng isang aktres sa estranged husband ng huli nang mag-post ito sa isang social media account ng aktres tungkol sa award na napanalunan kamakailan.

Sabi ng ate ni aktres, at least ay napatunayan daw ng kanyang kapatid na mali ang sinabi ng estranged husband nito na hindi magkakaroon ng projects o endorsements si aktres dahil hiwalay na ito sa aktor.

Simula nang mahiwalay si aktres sa estranged husband niya, sobrang nakasuporta na ang pamilya ni aktres sa kanya.

Kahit pagdating sa mga issue kay aktres at sa estranged husband nito ay hindi rin siya pinababayaan ng kanyang pamilya.

At dahil nga sa kanyang pamilya, masaya si aktres at nananatiling lumalaban para masuportahan ang kanyang mga anak.

Dahil din sa suporta ng kanyang pamilya ay masasabing nagkaroon na uli ng sunshine ang buhay ni aktres.

Albie kumuha pa ng sariling acting coach

Bibilib ka rito kay Albie Casiño. Since nagningning uli ang career niya dahil sa pagkaka-include sa On The Wings of Love ng ABS-CBN, sobrang concentrated na pala siya ngayon sa kanyang career.

Mismong si Albie nga raw ang nagdesisyong kumuha ng personal na magtuturo ng akting sa kanya.

May one-on-one workshop pala si Albie dahil ayaw raw ng aktor na mapintasan ang akting niya.

Alam daw kasi ni Albie na may kulang pa siya pagdating sa akting at alam naman niya na bilang artista ay dapat mag-improve ang kanyang akting.

At ngayon daw, kahit araw-araw nagti-taping at nagsu-shooting si Albie ay wala raw siyang reklamo.

Hindi na rin daw masyadong gumigimik ngayon si Albie at paminsan-minsan na lang lumalabas kapag importanteng okasyon lang o kapag hindi niya matanggihan ang imbitasyon ng ilang mga kaibigan.

vuukle comment

AKTRES

ALAM

ALBIE

ALBIE CASI

ALIGN

ANG

KANYANG

LEFT

ON THE WINGS OF LOVE

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with