^

Pang Movies

Annabelle at GMA 7 executive Annette Gozon, nagbati na

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Marami ang natuwa nang finally ay nagkabati na kahapon sa isang salon sa Boracay sina Annabelle Rama at Annette Gozon-Abrogar.

Kuwento ng isang source, nagkasabay na nagpa-parlor sina Bisaya at Annette kahapon para sa kasal ng apo ni Mother Lily Monteverde at kitang-kita nga ng mga nasa salon na bumati ang GMA 7 executive sa nanay ni Richard Gutierrez.

Parang wala nga raw naging gap ang dalawa na nag-usap, kaya naman natuwa ang mga nakakita sa kanila.

Nang makatsikahan ko naman si Bisaya, ikinuwento niyang nagkita nga sila ni Annette at parang wala nga raw naging problema sa kanilang dalawa.

Sabi pa ni Bisaya, happy siya sa tsikahan nila ni Annette at parang nabalik nga raw ‘yung dating pagkakaibigan nilang dalawa.

Umaasa naman ang mga kakilala nina Bisaya at Annette na magpapatuloy ang kanilang pagkakaibigan at hindi hanggang sa Boracay lang ‘yon.

Jay Manalo, libre sa kahit na anong istasyon

Freelancer na pala ang alaga ni Annabelle Rama na si Jay Manalo.

Meaning, puwede siyang gumawa ng projects sa kahit na anong TV network.

After na mag-expire ang kontrata niya sa TV5, nagkaroon naman siya ng ilang regular shows sa GMA 7 at ngayon nga, nasa ABS-CBN naman siya para sa teleseryeng pagbibidahan nina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Free rin siyang makapag-guest sa shows ng ibang TV networks katulad sa Magpakailanman ng Kapuso network.

Looking good din ngayon si Jay dahil bukod sa nagdyi-gym, madalas daw siyang sumasamang mag-basketball sa kanyang mga barkada.

Sa hitsura nga ngayon ni Jay, parang hindi siya masyadong tumatanda.

The Theater ng Solaire, nagiging paboritong concert venue na

Nagiging paboritong venue ng concerts ang The Theater ng Solaire Resort and Casino.

Sa November 20 at 21 ay may Regine at the Theater pa rin si Regine Velasquez-Alcasid sa nasabing venue.

May repeat naman ang concert ni Martin Nievera sa December 1.

Sina Lani Misalucha at Arnel Pineda naman ay may concert doon sa December 4 and 5.

Dinig ko, marami pang artists ang gustong mag-concert sa The Theater.

Mas maganda kasi ang The Theater compared sa ibang concert venues na hindi masyadong kalakihan.

vuukle comment

ANG

ANNABELLE RAMA

ANNETTE

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ARNEL PINEDA

BISAYA

BORACAY

JAY MANALO

JULIA BARRETTO

MARTIN NIEVERA

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with