^

Pang Movies

Bea mahaba ang pasensya sa career

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Dalagang-dalaga na si Bea Binene dahil nag-eighteen years old na siya last Nov. 4 at isang super bonggang debut ang ginanap sa Manila Hotel. Natupad ang pangarap ni Bea na magkaroon ng debut with matching cotillion at 18 roses. Kasi malaki nga naman ang magagastos sa debut, eh hindi naman daw sila rich ng family niya. Baka raw mahirapan ang parents niya sa gastusin.

Pero heto at natupad din ang kanyang 18th birthday sa isang sikat na hotel pa!

Halos lahat ng friends at relatives niya ay present pati classmates niya sa exclusive school ay nagsidatingan din.

Hindi na raw niya matandaan kung sino ang mga isinayaw niya. Basta last dance niya si Alden Richards na humabol lang sa event.

Sa totoo lang, isa si Bea sa mga Kapuso stars na malayo ang mararating. Una, ang ganda ng mukha niya, matangkad pa at magaling umarte. Biruin mo naman, wala rin siyang sawa sa kawo-workshop. Basta may bagong project sa GMA 7, inaalam niya ang role na gagampanan saka magwo-workshop. At take note, 12 years na siya sa network, 6 years old lang siya nang magsimula at never siyang nainip sa assignment na gagawin niya. Happy birthday, Girl!

Jobelle Salvador takot matalakan ni Direk Jerry

Tatak Salvador si Jobelle Salvador. Ang lahing pinanggalingan niya ay puro magagaling na artista. Ang tatay niya ay si Leroy Salvador, aktor-direktor at tiyuhin niya sina Phillip Salvador, Ramon Salvador. Tiyahin naman niya si Alona Alegre at iba pang mga Salvador sa showbiz.

Pero ngayon na comebacking star siya sa bagong TV series ng ABS-CBN na You’re My Home ay kinikilabutan daw siya. Natatakot siya at feeling daw niya na hindi na siya marunong umarte. Lalo pa’t ang mga artistang kasama niya sa serye ay sina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Tonton Gutierrez, Assunta de Rossi, Minnie Aguilar, Diana Zubiri at iba pa. At takot din siyang sigawan ni Direk Jerry Lopez Sineneng.

Dating singer na si Danna Garcel na nabaldado ng apat na taon, magkakaroon na uli ng solo concert

Bigla namin naalala ang isang malagim na aksidente sa isang lugar sa dako ng Bicol at Quezon Province, sa parte ng pamosong sigsag na tinatawag na Bitukang Manok.

Ten years ago na ang nakalilipas galing sa isang provincial show kung saan maaksidente ang sasakyan sa Bitukang Manok. Ang sikat na sexy star or bomba star na ‘yan ang katawagan sa artistang lumabas sa sexy film (bomba film), ay si Halina Perez, isa sa mga female star na may magandang mukha at sexy body.  Isa sa mga nakasakay sa sasakyan ay isa ding napakagandang babae, isa sa performer-singer  na kasama sa dinaluhang show ng seksing si Halina, si Danna Garcel.

Tingnan mo nga naman, nang mamatay si Halina, nawala rin si Danna, that time kasi, sa larangan ng musika gumagawa ng pangalan si Danna, member siya ng isang banda at kasama rin si Gladys Guevarra na sikat na sikat sa Eat Bulaga.

Sa aksidente since then, masyadong na-depressed si Danna sa nangyaring pagkamatay ni Halina.  Hindi namatay si Danna pero naging baldado siya, dalawang braso niya ay nadurog kaya for years naka-plaster ito, hindi siya makagalaw.  Pero mas grabe raw ang dalawang binti niya na halos nagmistulang lumpo si Danna kaya, naging alalay at best friend niya ay wheel chair.

Para kay Danna isang bangungot ang nangyari, pero malaki pa rin ang pasasalamat niya sa Diyos.

Nang gumaling siya ay isinama siya ni Gladys sa Bahrain at naging soloista ng isang banda.  Ilang taon ‘yun ginawa ni Danna, at lahat daw ng ibang trabaho like cashier, dishwasher, secretary at mga trabahong disente at pagkakakitaan ay pinasok ni Danna dahil gusto niyang makaipon ng malaki at mag-stay foot na sa sariling bansa, magkaroon ng sariling negosyo.

Pero never daw na iniwan ang pagkanta.  Mga kantang ala-Regine Velasquez, Yeng Constantino, Jonalyn Viray, Celine Dion, Beyonce, Mariah Carey, Sarah Geronimo ang mga kinakanta niya.

Nakabalik na sa first love niya si Danna, ang pagiging magaling na singer, nakagawa na siya ng first single niya, entitled Bakit ba? Pero for the first time magkakaroon siya ng isang major concert sa Music Museum ngayon, November 11, 2015 (Wednesday) 7:30 pm, entitled Danna Garcel, Metamorphosis, Sweet and Sexy.

At makakasama niya sina Luke Mijares, Daryl Ong at mga kaibigan na all out ang support sa kanya lalo na ang forever friend na si Gladys Guevarra.

Pero malaki rin ng pasasalamat ni Danna sa family friend nila na si Atty. Paul Santos David na dating konsehal ng San Rafael, Bulacan at balitang pambatong Vice Mayor ng Tarlac City.  Ever since raw ‘di sila pinabayaan ni Atty. David na wala raw ginawa kundi tumulong sa mga nangangailangan at ang paboritong institution ay ang Home for the Aged.  Dahil cancer survivor ang ina ni Atty. David kaya siya tumutulong sa iba.  Take note, itong si Danna, baka magpelikula na rin dahil sa ganda ng mukha at katawan.  Sipatin mo ang boobs, grabe ang laki, standing ovation.  Tinanong ko siya kung retoke ang suso niya.  Hipuin ko daw.  Salatin.  Dahil walang tanim na pampatayo.  Bow!

Poging aktor, laging bakat na bakat ang nota

Halatang malaki ang nota ng young and poging aktor.  Bakat na bakat.  Kaya pala dilat na dilat ang mga mata ng mga tsuffatid sa dakong ‘yun.  Alam kasi nila at pinag-uusapan na noon pa.  E, me, dilat mata.  Naku po, sana wag makaapekto sa mata ko na may cataract at soon to be lasered kuno.

vuukle comment

ANG

BITUKANG MANOK

DANNA

DANNA GARCEL

GLADYS GUEVARRA

ISANG

MGA

NBSP

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with