^

Pang Movies

Pagnanasa biglang gumuho young actor bumaliktad ang sikmura nang madiskubre ang mga patay na kuko ng young actress

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Super crush pa naman ng young actor ang young actress na ito.

Maganda, sexy at magaling magsalita. Lahat na nga raw ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa young actress na.

Pero sobrang na-turn-off ang young actor nang makita niyang puro patay ang kuko sa paa ng young actress!

Tawagin na raw mababaw ang young actor, pero hindi nga raw niya ma-erase sa isipin niya ang mga patay na kuko ng young actress.

Sa pagkakaalam kasi ng young actor ay kapag may mga patay kang kuko, ibig sabihin ay may kung anong fungus infection meron ang mga paa mo. Kaya nabawasan ang paghanga nito sa young actress.

Kung paano nga nakita ng young actor ang mga dead toenails ni young actress ay isang aksidente. Wish nga ni young actor na sana ay hindi na lang niya nakita para hindi gumuho ang pagnanasa niya sa young actress.

Nag-rehearse daw kasi sila ng isang dance number para sa isang show kunsaan sila maggi-guest. Noong matapos ang rehearsal ay inimbita ni young actor ang young actress na mag-dinner sila. Um-oo naman ang young actress at katukin na lang daw siya sa dressing room kapag paalis na sila. Mabilis ngang nakapagpalit ng damit si young actor at agad siyang pumunta sa dressing room ni young actress. Kumatok siya pero walang nagbubukas ng pinto. Hindi naman pala naka-lock kaya unti-unti siyang sumisilip habang kumakatok.

Kaya naman hindi siya marinig ng young actress ay dahil may earphones itong nakasaksak sa tenga at nakikinig ito sa kanyang iPod.

Nakita ni young actor na parang kinakalikot ni young actress ang kanyang mga paa at doon nga niya nakitang nag-aagaw ang kulay itim at brown sa mga toenails nito.

Kaya naman pala laging nakamedyas or dark stockings ang young actress, hindi dahil sa may fashion statement ito, kundi tinatago nito ang mga dead toenails.

Masuka-suka si young actor sa kanyang nakita at dahan-dahan niyang sinara ang pinto since hindi naman daw siya napansin ng young actress.

Bumaligtad nga raw ang sikmura ng young actor sa eksenang nakita niya at bumalik siya sa dressing room niya para magsuka sa banyo.

Tinext na lang daw niya ang young actress at sinabing may emergency siyang lakad. Next time na lang sila ulit mag-dinner. Um-okey naman si young actress.

Hindi alam ng young actress na ang tunay na rason ay sumama ang pakiramdam at nawalan ng ganang kumain ang young actor dahil sa mga toenails niyang patay!

Pauleen kinabisa kung paano galitin si Vic!

Kinuwento ni Pauleen Luna sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho kung paano nag-propose sa kanya ang kanyang fiancé na si Vic Sotto.

Kung inakala raw ng marami na bongga ang na­ging proposal ni Bossing Vic, simple lang daw ito ayon kay Pauleen.

“It’s very simple, nothing grand. Just the way we like it.

“Kasi kami po, very low key kami. We like keeping our relationship simple.

“One day, lumabas lang, nagulat ako, and then isinuot ko yung singsing, actually!

“Sabi niya, ‘You like it?’ Sabi niya, ‘Teka, ako dapat magsusuot sa ‘yo niyan.’

“Sabi niya, ‘Will you marry me?’ And then that’s it.”

Malaking misteryo pa rin sa marami kung paano nagawang mag-propose ni Vic kay Pauleen.

“I really don’t know. I think it’s really God. Prayers talaga.

“It works. I think ang Panginoong Diyos lang po talaga ang nagbigay sa amin.

“Kasi we’ve reached that point na we know each other very well, we seldom fight.

“Minsan na minsan lang because, I think, yung fact na alam na namin kung ano ang makakapagpagalit sa isa’t isa, iniiwasan na lang po namin.”

Thirty five years ang age gap nila Pauleen (26) at Bossing Vic (61). Pero hanga ang lahat sa pagdala nila ng kanilang relasyon.

“I think nag-meet halfway po kami, definitely.

“‘Yung sa amin po talaga, effortless. We’re like best friends and partners. Sobrang simple lang po talaga kami.

“Siguro rin po kasi kinilala ko siya nang husto.

“I studied papa’no siya magalit, kung paano ko magagawan ng paraan para di kami mag-clash.

“Di po uso sa amin ang magsigawan. We give each other time to say our piece,” pagtatapos pa ni Pauleen Luna.

Sikat na novelist na si Jackie Collins, pumanaw na sa breast cancer

Sumakabilang-buhay na ang sikat na novelist na si Jackie Collins.

Breast cancer ang naging dahilan sa pagpanaw ng 77-year old novelist na kapatid ng Dynasty actress na si Joan Collins.

Naglabas agad ng isang official statement to the media ang pamilya ni Collins.

“It is with tremendous sadness that we announce the death of our beautiful, dynamic and one of a kind mother, Jackie Collins, who died of breast cancer today.

“She lived a wonderfully full life and was adored by her family, friends and the millions of readers who she has been entertaining for over 4 decades.

“She was a true inspiration, a trail blazer for women in fiction and a creative force. She will live on through her characters but we already miss her beyond words.”

Na-diagnose with stage four breast cancer si Collins noong 2009. Itinago niya ang kanyang sakit sa publiko at ang nakakaalam lang nito ay ang kanyang mga anak na sina Tracy, Tiffany at Rory.

Sa huling interview ni Collins sa People magazine, sinabi nito na wala siyang pinagsisihan sa pagtago niya ng kanyang sakit.

“Looking back, I’m not sorry about anything I did. I did it my way, as Frank Sinatra would say.

“I’ve written five books since the diagnosis, I’ve lived my life, I’ve travelled all over the world, I have not turned down book tours and no one has ever known until now when I feel as though I should come out with it. Now I want to save other people’s lives.”

Isa sa kilalang fiction romance novelist of the 20th century si Jackie Collins. In the last 40 years, more than 500 copies ng kanyang novels ang nabenta sa buong mundo.

Kabilang sa mga best-selling novels niya ay ang Hollywood Wives, Hollywood Husbands, Chances, Lucky, Lady Boss, Rock Star, Poor Little Bitch Girl at Paris Connections.

vuukle comment

ACIRC

ACTOR

ACTRESS

ANG

BOSSING VIC

JACKIE COLLINS

LANG

MGA

NIYA

PAULEEN

YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with