^

Pang Movies

‘Di pinag-iinteresan sa mga sinehan dito sa atin mga pelikula ni Nora pang-abroad lang!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ipalalabas na naman daw sa Spain ang pelikula ni Nora Aunor tungkol sa mga biktima ng bagyo. Pero ang tanong nga namin, kailan ba maipapalabas iyan sa mga sinehan sa Pilipinas? Panay na lang sila abroad eh. Para bang gumagawa sila ng mga pelikulang Pilipino para sa mga dayuhan. Bakit nga ba hindi maipalabas sa Pilipinas ang mga pelikulang iyan.

Ang sagot diyan ay simple lang, ipinapalabas sila sa Spain, pero sa Pilipinas maski na sa Sine Baron sa kalye España hindi sila mailabas. Kasi dito ang pinag-uusapan ay commercial viability ng isang pelikula. Kung inaakala ng mga sinehan na hindi kikita ang pelikula, hindi ka nila tatanggapin. Ang pag-asa mo na lang ay makasali ka sa festival ng Cinemalaya para maipalabas ka sa CCP kahit na isang araw man lamang, kahit na isang screening lang.

Ang daming pelikula ni Nora Aunor na ganyan. Tapos hindi naman natin mapanood sa sinehan. Bakit hindi gumawa si Nora noong maipapalabas naman sa mga sinehan. Aba mabuti pa iyong mga pelikula niya noong araw, iyong Guy and Pip, iyong Nora in Wonderland, at iba pa na hindi nananalo ng award pero naipapalabas sa mga sinehan at kinikilalang hit movies. Iyong Guy and Pip hindi ba noong araw ay naging top grosser pa sa festival. Bakit nagtitiyaga si Nora sa mga pelikulang naipapalabas lamang sa mga hotoy-hotoy na festivals ngayon, at ni ayaw tanggapin kahit na saang sinehan dito?

Jovit Baldivino bastos, inunahan daw sa pagkanta ang orihinal na singer at sumulat ng ‘pusong bato’

Nasupalpal nang husto ang singer na si Jovit Baldivino nang sabihin ni Wency Cornejo sa kanyang social media account na “walang respeto” sa kapwa niya artist.

Sa isang show daw kasi na nangyari sa GenSan, pinakiusapan si Jovit na huwag kantahin iyong Pusong Bato, na kasama sa kanyang album. Ang dahilan, iyong composer mismo ng Pusong Bato na si Renee dela Rosa ng bandang Alon ay naroroon, at siyempre dahil hindi nga masyadong kilala si Renee, gusto namang maipakilala siya na orihinal na gumawa ng Pusong Bato. Si Renee rin at ang banda niyang Alon ang unang nag-record ng kantang iyan. Isang independent producer diumano ang siyang producer nila kaya hindi masyadong nai-promote, pero noon pa man ay sumikat na iyan sa mga videoke.

Actually sa simula pa lang ay may controversy na iyang Pusong Bato na iyan. Kasi may panahong isang baguhan din, na ang pangalan ay Aimee Torres, na nag-claim na dapat siya ang bigyan ng kredito bilang original artist ng Pusong Bato dahil mas sumikat daw iyon nang kantahin niya, at ang rights naman para mai-record iyon ay binayaran ng kanyang ama.

Nang malaunan, ini-record din nga iyon ni Jovit Baldovino.

Hindi nga pinag-uusapan kung sino ba ang nagpasikat ng kanta. Ang mahalaga riyan, sino ba ang talagang gumawa ng kanta, at iyon ay si Renee dela Rosa ng Alon.

Naintindihan namin, siguro nga sa show na iyon ay talagang nakalagay sa repertoire ni Jovit ang Pusong Bato, at kailangan niyang kantahin iyon dahil sikat na kanta iyon. May karapatan din naman siya dahil nai-record niya iyon. Pero tama si Wency. Pinakiusapan nila si Jovit na huwag nang kantahin ang Pusong Bato dahil naroroon ang original composer na siyempre gusto ring kantahin ang kanyang ginawang hit song. In the first place siya ang unang nagsa-plaka ng kanta. Pero ang nangyari raw, hindi pumayag si Jovit at dahil sa nauna nga siya sa line up, inunahan niya ang original composer at artist na kantahin iyon.

Napakaliit na bagay, isang kanta lang eh. Maaari naman sigurong magbigayan. Si Jovit naman kilala na siya eh, siguro mas tama ngang pinagbigyan na niya ang isang mas hindi kilalang solo artist, after all iyon ang gumawa ng pinag-uusapang kanta.

vuukle comment

ALON

ANG

BAKIT

BATO

HINDI

ISANG

IYON

JOVIT

JOVIT BALDIVINO

MGA

PUSONG BATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with