^

Pang Movies

Derek umingay uli ang pangalan sa Dos

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaingay muli ng ABS-CBN ang pangalan ni Derek Ramsay.

Sa muling pagbabalik ni Derek Ramsay sa Star Cinema, mapapansin muling umingay ang kanyang pangalan, diba?!

Mabuti nga’t bumalik na siya sa Kapamilya dahil kung hindi, ay baka makalimutan na siya ng kanyang fan.

Ibang exposure talaga ang binibigay ng Dos.

Maiba tayo, totoo kayang hindi pa rin makalimutan ni Derek si Angelica Panganiban? Matagal din kasi silang dalawa noon at napabalita pang ihahatid siya sa altar ng aktor. Kaso, nauwi sa drawing ang pangakong niya noon kay Angelica.

Yaya Dub at Wally, halos magkapunit-punit ang mga damit sa Baliuag!

Hindi kami makapaniwala nung makitang dinumog ng maraming tagahanga si Yaya Dub (Maine Mendoza) nang magpunta siya kahapon sa Makinabang, Baliuag, Bulacan para sa All for Juan, Juan for All segment ng Eat Bulaga.

Halos magkapunit-punit ang damit ni Wally Bayola o Lola Nidora sa rami ng kumakamay sa kanya, ganun din si Jose Manalo na may dala pang hagdanan na pinagtulong-tulungan ng grupo niyang animo’y mga ahente ng mga funeral parlor, ha ha ha!

Kasunod din nilang sumugod si Paolo Ballesteros. Sayang lang at ‘di kami nakalapit, ayaw naman naming matakpan ng mga tao.

Sabi ng tatlo, maganda daw ang Baliuag dahil maraming mga punong-kahoy. Masaya ang mga taga-Baliuag, sikat na sikat kasi ang kababayan naming Yaya Dub na taga Sta. Maria, Bulacan.

Dina nakakasawa na ang mga patutsada kay Boyet

May mga nagkomento, tipong nakakasawa naman daw yung dialog ni Dina Bonnevie against Christopher De Leon sa tuwing mahuhuling nambababae ito sa teleseryeng Beautiful Stranger.

Sabi niya, “Tandaan mo! Pamilya ko ang nag-ahon sa iyo sa kahirapan at galing sa kanila ang mga tinatamasa mong kaginhawahan,” patutsada niya lagi kay Boyet.

Teka! Wala bang iba namang masasabi si Dina? Dahil sa simula pa lang ng teleserye, gamit na gamit na niya ang linyang ito. Mabuti na lang, naririyan sina Devina Valencia na kahit papano, iba-iba ang eksena.

Anyway, maganda ang kombinasyon nina Heart Evangelista at Lovi Poe.

Mag cover ni Vice, bilhin kaya ng madla?!

May mga nagtatanong, may mga tunay na lalaki din kayang bibili ng isang Magazine na si Vice Ganda ang cover?

Hindi kaya mga bakla at tomboy lang ang magkakainterest na bumili nito?

Kahit anong ganda raw kasi ng katawan, meron pang something behind ang sexy comedian.

May mga pangako si Vice na pipiliting maibalik ang korona ng kanyang tanghaliang show na naagaw na ng AlDub. Paano kaya niya ito mababawi?

Fans ni Dingdong, kontra sa kanyang pagkandidato

Hindi pala excited ang mga tagahanga na maging isang politician ang idol nilang si Dingdong Dantes dahil hindi na raw ito isang malaking karangalan lalo’t napag-uusapan ang DAP.

Makumbinsi pa kaya ang actor tumakbo kahit may ganitong kanegahang kakabit ang pagiging politician?

vuukle comment

ALIGN

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BALIUAG

BEAUTIFUL STRANGER

DEREK RAMSAY

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with