^

Pang Movies

Ibang internet sensations, pinadapa ng AlDub!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Marami ang natuwa sa pagsikat ng AlDub (Alden Richards-Yaya Dub) loveteam na araw-araw na trending dahil nasapawan nito ang mga Pabebe Girls, Pabebe Warriors at ni Maria Sofia Love na walang dapat ikalungkot bilang naranasan nila at tapos na ang kanilang fifteen minute fame.

Hindi naman talaga pangmatagalan ang obsesyon ng mga Pilipino sa mga Pabebe etc. dahil mabilis sila na magsawa sa mga uso at mga isyu, lalo na kung may kinalaman sa showbiz at mga artista.

Masuwerte ang Aldub loveteam dahil na­sapul nila ang pihikan na panlasa ng mga Pinoy at araw-araw, iba-iba at unpredic­table ang mga eksena sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Hindi ka­tulad ng paulit-ulit at may sawa factor na drama ng mga Pabebe Girls at ni Maria Sofia Love.

Pumalo sa limang milyong views ang video ng pagkahimatay ni Yaya Dub noong Sabado. Ganyan karami ang nag-imbestiga kung totoo o gimik ang nangyari kay Yaya Dub habang live na nagaganap ang pagpapakasal nila ni Frankie.

Kulang-kulang na kalahating milyon ang nag-tweet naman kahapon tungkol sa Aldub loveteam na may hashtag #AldubSaTamangPanahon na nag-worldwide trending din sa 62 countries.

May panawagan kay P-Noy na ideklara niya na holiday ang muling pagpapakasal nina Yaya Dub at Frankie para mapanood nila sa TV ang mga kaganapan. Ganyan na katindi ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa accidental loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub aka Maine Mendoza.

Jose pinadalhan ng Chanel si Ali Sotto!

Tawang-tawa ako nang mapakinggan ko ang interbyu nina Ali Sotto at Arnold Clavio kay Jose Manalo.

Hindi kaagad nasalo ni Jose si Yaya Dub nang mahimatay ito sa live broadcast ng Eat Bulaga noong Sabado.

Ang sey ni Jose, alam niya na masama ang pakiramdam ni Yaya Dub pero hindi naman nito sinabi na nahihilo siya.

Naramdaman na lang ni Jose ang mahigpit na paghawak ni Yaya Dub sa braso niya hanggang naupos na parang kandila ang dalaga sa kanilang wedding scene.

Nataranta ang production staff ng Eat Bulaga pero nagkaroon sila ng presence of mind na maglabas ng electric fan para mahanginan si Yaya Dub habang todo paypay sa dalaga ang ibang mga tao sa pali­gid.

Napag-usapan din nina Arnold at Ali ang mga signature shirt na isinusuot sa Eat Bulaga ng Frankie character ni Jose.

Natawa ako sa dialogue ni Jose na padadalhan nito ng Chanel si Ali pero Chanel 7 ang kanyang ipadadala.

Annabelle isinumbong si Ruffa kay Erap

Narinig ko sa dinner treat ni Papa Erap Estrada noong Bi­yernes sa Sampaguita Events Place ang kuwento ni Annabelle Rama na on-and-off ang bangayan nila ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

Sanay na ang publiko sa away-bati nina Bisaya at Ruffa pero pinupuri nila ang huli dahil hindi ito nagsasalita ng laban sa kanyang ina.

Maganda talaga ang pagpapalaki nina Bisaya at Eddie Gutier­rez sa kanilang mga anak. Totoo na nagkakaroon sila ng mga tampuhan pero hindi natin napapanood sa TV na binabastos ng Gutierrez siblings ang kanilang mga magulang.

At kahit may hidwaan ang mag-ina, si Ruffa ang una at kusang bumabati kapag nagkikita sila ni Annabelle sa mga showbiz event.

vuukle comment

ACIRC

ALI SOTTO

ANG

CHANEL

DUB

EAT BULAGA

FRANKIE

MARIA SOFIA LOVE

MGA

YAYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with