^

Pang Movies

Anak ni Jinggoy matindi ang pagmamahal sa One Direction

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagumpay ang dalawang gabing concert ng One Direction na idinaos sa MOA Grounds. Nagkaroon man ng kaunting pag-ulan ay hindi natinag ang napakaraming nanood ng concert. Isa na rito ang bunsong anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Jill na 1D fanatic. Noon pa man ay nangangarap na itong makita ng personal ang iniidolong banda.

Tuwang-tuwa ang ina ni Jill na si Precy Ejercito sa lubos na kasiyahan ng anak na sa sobrang tuwa ay napaiyak pa. Hindi raw sukat akalain ng bagets na makikita niya ng personal ang iniidolo. Nakita namin ang mga lumuluhang imahe ni Jill sa Instagram na ipinost ng ina. Kaya lang, ang pinakapaborito ni Jill na si Zayn Malik ay hindi pa nakasipot. Kaya pangako ng ina, sisikapin niya na makapanood muli si Jill na kumpleto ang banda. Ang problema lang ng ina ay may klase na si Jill sa mga susunod na concert schedules ng British Boy Band.

Pustahan sa Mayweather-Pacman sobrang lakas din

Hanggang ngayon ay hindi pa pala nailalabas ang presyo ng tickets para sa nalalapit na boxing event nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Ayon sa nakuha naming impormasyon mula sa isang source sa Las Vegas, maraming Pinoy sa Amerika ang nag-aabang sa anunsyo ng presyo ng mga ticket. Maski raw ang website ng MGM Casino Hotel ay hindi nila mabuksan dahil may diperensiya raw.

Sabik na sabik na raw ang mga kababayan natin sa Amerika na makabili ng ticket. May nagtsika pa na ang ibinebenta raw muna ay ang mga mahal na tickets dahil malaki pala ang puhunan dito ni Bob Arum. Malakas din daw ang pustahan na parang marami ang pumupusta sa ating Pambansang Kamao. Kaya buhay na buhay na naman ang Las Vegas. Maski ang mga hotel rates ay abot hanggang langit ang presyo at fully booked na. Kaya goodluck na lang sa amin kung saan kami tutuloy habang nasa Las Vegas.

Miguel itutuloy ang pagko-kolehiyo

Bihira ang mga artistang napagsasabay ang pagharap sa camera at pagpasok sa eskwelehan. Para kay Miguel Tanfelix, mahalaga sa kanya ang makatapos ng pag-aaral. Hindi raw mahirap gawin ito kung may conviction kang makatapos ng pag-aaral. Lagi raw ipinaalala sa kanya ng magulang na mahalaga ang makatapos ng pag-aaral. Kaya kailan lang ay nag-graduate mula sa high school si Miguel na ikinatuwa ng pamilyang mula sa pagiging guro.

Ang lola pala ni Miguel ay may eskuwelahan at doon nagtatrabaho ang mga magulang niya. Kaya maski ang lola ay iminulat sa kanya ang kahalagahan ng edukasyon. Hindi nga naman panghabangbuhay ang pag-aartista. Kaya desidido si Miguel na tapusin ang pag-aaral kahit nag-aartista siya. Time management lang naman daw ‘yan.

Si Miguel ay napapanood sa Once Upon a Kiss opposite Bianca Umali sa GMA-7. Maganda at swak ang tambalan nila.

Cast ng Pepito apektado sa bakasyon ni Michael V

Dahil dito nag-Pasko sa Pilipinas ang pamilya ni Michael V. ay nagpasya ito na sa Amerika magbakasyon kasama ang mga anak habang nasa bakasyon din ang mga ito. Kaya doble ang effort niya sa mga taping ng Bubble Gang at Pepito Manaloto. Para naman may maibangko ang programa habang wala siya.

Hindi kasi nagte-taping ang dalawang programa kapag wala siya. Kaya pati si Angel Satsumi na ay magbabakasyon sa Japan para makapiling ang amang Hapones na matagal nang sabik sa kanya. Sa Celebrity Bluff at ibang GMA News TV programs muna si Boobay habang bakasyon sa Pepito Manaloto.

vuukle comment

AMERIKA

ANGEL SATSUMI

BIANCA UMALI

KAYA

LAS VEGAS

MICHAEL V

MIGUEL

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with