^

Pang Movies

Marian wala nang oras sa katsipan, mas itinutuon ang oras sa katomboyan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dedma na si Marian Rivera sa mga bagong isyu na ipinupukol sa kanya.

Happy wife si Marian kaya wala na siyang panahon sa mga katsipan na isyu. Ayaw niya na sayangin ang oras dahil busy siya bilang misis ni Dingdong Dantes at sa paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang bagong primetime show sa GMA 7.

Tungkol sa katomboyan ang kuwento ng te­leserye na pinagbibidahan ni Marian.

I’m very very sure na aabangan at susubayba­yan ng mga tivoli ang drama series ni Marian dahil makaka-relate sila sa kuwento.

At bilang may kinalaman sa buhay ng tomboy ang tele­serye, walang masama kung si Charice ang pakakantahin ng GMA 7 sa theme song.

Close naman yata si Charice kina Dingdong at Marian dahil umapir siya sa wedding reception ng dalawa sa Mall of Asia Arena noong December 30. Ang dyowa na si Alyssa Quijano ang date ni Charice sa wedding reception.

Charice ipinagmamalaki ang bagong tattoo sa katawan

May bagong tattoo sa katawan si Charice na ipinagmalaki niya sa fans.

‘Yung ibang mga tagahanga ni Charice, nagustuhan ang kanyang tattoo pero mas marami ang na­dismaya dahil nagmistulang marumi ang itsura niya.

Wala nang magagawa ang mga kontra sa tattoo ni Charice dahil hindi na ’yon mabubura. Hayaan na lang nila si Charice sa kaligayahan nito.

Richard Yap natakot sa selosong fans nila ni Jodi

Nalaman ko ang desisyon ni Richard Yap na dumistansya kay Jodi Sta. Maria dahil iba na  ang interpretasyon ng selosong fans sa kanilang loveteam.

Tama ang pasya ni Richard dahil overac­ting na ang ilan sa fans nila ni Jodi na nanga­ngarap na magkatuluyan sila.

Nag-iilusyon na ang fans dahil nakakalimutan nila na happily-married si Richard sa misis nito at very responsible father siya. Never na iiwanan at pababayaan ni Richard ang kanyang pamilya ‘no!

May mga tagahanga na sarado ang isip. Sila ‘yung mga nang-aaway kay Jolo Revilla dahil si Richard ang type nila na maging boyfriend ni Jodi.

Lumalampas na sa guhit ang paghanga ng possessive fans. Hindi puwedeng mangyari ang gusto nila dahil hindi puwedeng sila ang magdidikta ng mga dapat gawin ng kanilang mga iniidolo na artista.

Startalk nawalan ng oras sa pamilya ni Jam

Kahit nagkaroon sila ng engagement, hindi naplano nina Jam Sebastian at Mitch Liggayu ang pagpapakasal dahil nag-focus sila sa pagpapagamot sa sakit ng binata na binawian ng buhay dahil sa Stage 4 lung cancer.

Nanggaling ang impormasyon mula kay Mitch nang makausap namin siya kahapon ni Papa Joey de Leon sa Startalk.

Ang sey ni Mitch, hindi nagpaparamdam sa kanya si Jam pero feel na feel niya ang presence ng pumanaw na boyfriend.

May interbyu rin dapat ang Startalk sa naulilang pamilya ni Jam pero kinulang sa oras.

Hindi na nabigyan ng chance ang ina ni Jam na si Mari­car na sagutin ang mga intriguing question na may kinalaman sa pagpanaw ng kanyang anak.

Personal na nagpunta si Butch Francisco sa pinagbuburulan ng labi ni Jam sa Parañaque City pero dahil sa kakulangan ng oras, hindi natuloy ang live interview niya sa ina at kapatid ng namatay na Youtube sensation.

 

 

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

BUTCH FRANCISCO

CHARICE

DAHIL

DINGDONG DANTES

JODI

RICHARD YAP

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with