^

Pang Movies

Lovi hindi pa alam kung husband material na si Rocco

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bilang best friend ni Heart Evangelista, siyempre aware rin si Lovi Poe sa problema ng kaibigan sa magulang. Up to now kasi ay hindi pa malaman kung dadalo ba ang parents ng una sa kasal nito with Sen. Chiz Escudero na gaganapin sa Feb. 15 sa Balesin Island.

“Actually, hindi na namin pinag-uusapan kasi parang medyo ayoko rin namang magtanong about it kasi it’s kinda parang masyadong personal. Sensitive,” she said.

Pero never bang nag-open up si Heart sa kanya tungkol dito?

“Ang hirap kasing pag-usapan, eh. Ayokong magsalita. Ako, I have my own opinion about it pero ayoko na lang magsalita. Ayoko na lang sabihin kung ano ‘yung nararamdaman ko,” say ng young actress.

Pero bilang matalik na kaibigan, wish din niya raw ay makita sa kasal ang magulang ni Heart.

Sa mismong Valentine’s Day, Feb. 14 magtutu­ngo si Lovi sa Balesin para dumalo sa kasal wherein isa siya sa bridesmaids. Pero hindi niya kasama ang boyfriend na si Rocco Nacino dahil hindi raw ito invited sa wedding.

Sa Manila reception daw imbitado si Rocco dahil ‘yung sa Balesin daw kasi ay very private and intimate na sila-sila lang talaga.

Kaya advance na raw nilang ise-celebrate ang Valentine’s day since hindi sila magkasama sa araw na ‘yun. Nakatakda silang umakyat sa Baguio ngayong araw na ito at double celebration dahil birthday din niya sa Feb. 11.

When asked kung may inggit factor ba siya kay Heart at sa isa pa nilang kaibigan na si Solenn Heussaff na engaged na rin sa boyfriend nito, aniya ay wala naman daw dahil turning 26 pa lang naman daw siya.

Definitely, mas matanda raw sa kanya ang mga friends.

Malayo pa raw sa isip niya ang kasal.

When asked kung husband material ba si Rocco para sa kanya, say niya ay hindi pa niya alam since mag-iisang taon pa lang ang kanilang relasyon.

Boyfriend material daw ito pero malalaman pa lang niya kung husband material din ito kapag medyo nagtagal na raw siguro sila.

Samantala, after Ang Dalawang Mrs. Real ay wala pang next te­leserye si Lovi sa GMA-7 kaya pabaka-bakasyon daw muna siya and enjoying her life.

Naging busy siya lately sa episode niya for Magpakailanman na mapapanood sa Sat., Feb. 7 na may titulong Apoy sa Puso kung saan ay ginagampanan niya ang role na “bombera” of firewoman. Makakapareha niya rito si Derrick Monasterio.

 

Half-brother ni Lovi matindi ang patama kay P-Noy!

Nag-post pala ang anak ng yumaong Da King Fernando Poe, Jr. na si Ronian Poe ng matapang na statement against the government.

Post niya sa kanyang Instagram (IG) account few days ago, “If papa was the President, he would have flown all the way to Maguindanao and pick up all PNP-SAF that were killed. Ride with them on the plane going home and perso­nally march with them all the way to the cemetery. Our REAL President. President of the People. #fpj”

Ang nilagay niyang picture ay ang kanyang ama na kumakaway sa mga tao na kuha noon na ngangampanya ito for President.

Natanong nga kay Lovi kung nabasa niya ang post ng kanyang half-brother at aniya ay hindi raw. Nahingan ang Kapuso actress tungkol sa national issue na ito at aniya, siyempre ay nalulungkot din siya sa nangyari sa SAF Fallen 44 at nag-post din daw siya ng quotation tungkol dito.

“Ang sinabi ko sa pinost ko, “we wake up to enjoy our freedom while they wake up to fight for our freedom,” say niya.

“Actually, napanood ko ‘yung mga speeches, I cried kasi parang it saddens me talaga, kung ano ‘yung mga nangyayari sa bansa. Sometimes, kung puwede lang sabihin sa lahat ng tao that violence is not the key. Pero wala, eh. It’s sad that this is happening,” sabi pa ng aktres.

vuukle comment

BALESIN

BALESIN ISLAND

CHIZ ESCUDERO

DA KING FERNANDO POE

FEB

KUNG

LOVI

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with