^

Pang Movies

Natuto na raw Andi ayaw magmadali sa relasyon kay Bret

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil sa mga post nina Bret Jackson at Andi Eigenmann ng kanilang mga larawan sa kani-kanilang social media account kung saan ay magkasama nilang sinalubong ang Bagong Taon, siyempre, ang ispekulasyon ng lahat ay sila na.

Sa mga larawan kasi ay makikitang karga-karga pa si Andi ni Bret habang sa background ay may mga fireworks na nagpuputukan.

In fairness, ang ganda ng mga larawan nila at mukhang bagay din naman sila.

Pero say ni Andi kahapon sa The Buzz, they are just enjoying each other’s company.

“We hang out a lot,” she said.

Tinanong siya ni Boy Abunda kung officially together na sila at sagot ni Andi, “No”.

Pero inamin naman niyang nanliligaw si Bret sa kanya at hindi pa raw niya alam kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila.

“It’s only the beginning and I just came out of a long and very complicated relationship. I would want to take things slow,” she said.

Natutunan daw niya sa last relationships niya na huwag magmadali.

Ngayong 2015, ani Andi ay parang magsisimula siya ulit ng panibagong chapter sa kanyang buhay because she lost two people na talagang importante sa kanya. Hindi man niya sinabi kung sino, of course, ang isa ay ang ama niyang si Mark Gil at ang isa naman ay ang dating boyfriend na si Jake Ejercito.

Sa pagsisimula rin  ng taon ay happy si Andi na may opening salvo siyang pelikula, ang Tragic Theater ng Viva Films na showing na sa Jan. 8 at mula sa direksyon ni Tikoy Aguiluz. Kasama niya rito sina John Estrada at Christopher de Leon.

Umaasang magiging sila Enrique kuwintas ang iniregalo kay Liza

Ang ganda-ganda ni Liza Soberano kahapon sa The Buzz. Kasama niyang nag-guest ang leading man niya sa Forevermore na si Enrique Gil who admitted na may feelings siya para sa young actress.

‘Yun nga lang, hindi pa allowed magkaroon ng boyfriend si Liza at sabi raw ng kanyang manager na si Ogie Diaz, age 25 pa siya puwedeng mag-BF.  

Liza just turned 17 yesterday, Jan. 4 kaya mahaba-habang taon pa ang hihintayin ni Enrique.

Anyway, sobrang thankful nina Liza at Enrique sa big success ng Forevermore to the point na naging tou­rist spot na pala ang lugar na pinagte-teypingan nila sa La Trinidad, Benguet na sa serye ay tinatawag nilang La Fresa.

Say ni Quen (Enrique), noong unang shooting days nila sa nasabing lugar ay napakatahimik daw at sila-sila lang. Pero ngayon, araw-araw daw ay napakaraming fans na nagpupunta at ang iba’y dumarayo pa mula sa malalayong probinsiya.

Punong-puno na rin daw nga­yon ng iba’t ibang tindahan ang lugar na dati’y wala naman. May nagtitinda pa raw ngayon ng strawberry jam na sa story ay siyang specialty ni Agnes (Liza).

Pati raw ang outfit ni Liza ay ginagaya ng mga fans at may nagtitinda raw ng kanyang mga suot sa serye lalo na ‘yung hat. Pati raw ‘yung necklace ni Agnes na may palawit na strawberry ay may nagtitinda.

Kaya naman sobrang overwhelmed and grateful ng magka-loveteam na ganito katindi ang pagtangkilik sa kanila ng mga tao at sa kanilang serye.

Tinanong si Quen kung ano ang birthday gift niya kay Liza at say niya, necklace na may pendant na letter “H” for Hope. Ito kasi ang real name ni Liza pero kantyaw ni Boy Abunda, puwedeng literal na “hope” daw ang ibig sabihin nito para kay Enrique.

Panay din ang kantyaw ni Kuya Boy kay Quen na iba raw talaga ang mga titig ng aktor kay Liza at sa ilang beses nilang paggi-guest dito ay ngayon lang daw niya ito nakita nang ganu’n.

Panay lang ang tawa ni Enrique but say niya, sana raw ay magtuloy-tuloy talaga kung anuman ang meron sila ngayon. Well, for now, say nila pareho ay friends lang daw sila.

vuukle comment

ANDI

BOY ABUNDA

ENRIQUE

LIZA

NIYA

PERO

QUEN

RAW

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with