^

Pang Movies

Halikan nila inamin din, Kathryn at Daniel isang buwang nagliwaliw sa abroad!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Humarap sa entertainment press kahapon si Kath­ryn Bernardo sa presscon and contract signing ng RBX Rice in a Box endorsement niya. Ito ang unang pagkakataon na nakausap ng press ang young actress pagkatapos ng audio scandal ni Daniel Pa­dil­la at masaya na rin naman siya dahil okay na ang lahat.

“Siyempre, nu’ng nalaman ko (ang audio), parang ano, nagulat ka lang, ganu’n pero naayos na naman, eh. So importante sa akin ‘yung marami kaming natutunan sa nangyari and feeling ko naman, planado naman talaga ‘yun ni God kung bakit nangyari.

“Basta ngayon, ayos na, masaya na ulit,” she said.

Nabawasan ba ang pagmamahal niya kay DJ (Daniel)?

“Wow, ang lalim,” natatawang sambit ni Kathryn. “Basta ngayon siguro, mas nag-grow kami pareho sa nangyari and nag-grow lahat na involved,” she said.

But for a time din ba ay naapektuhan siya?

“Siguro, nun’g ano lang, nung nalaman mo, normal lang naman kung paano n’yo naramdaman kung mangyari sa inyo ‘yun, parang ganun din po siguro ‘yung naramdaman ko.

“Pero inayos naman ni DJ, si Tita Karla (Estrada, mother ni Daniel), kita mo na lahat sila, in-assure ako kung ano talaga ‘yung nangyari and of course, naniniwala naman ako sa kanila and tiwala naman ako sa kanila.

“So, yeah, okay na po, masaya na,” say pa ni ­Kathryn.

Kararating lang nina Kathryn and Daniel dahil isang buwan silang nawala sa bansa. Nag-show sila sa U.S. and Canada and at the same time ay nakapagbakasyon na rin.

Sobrang nag-enjoy daw siya dahil nagkaroon sila ng time na mamasyal at marami silang memorable experience ni Daniel sa nasabing trip.

“Na-enjoy ko siya, para siyang work/vacation para sa amin ni DJ at kay Mama,” say pa ng Teen Queen.

Umabot ng one month ang kanilang trip dahil after ng ASAP in L.A. at may 1 week silang libreng oras para pumunta sa Canada.

“So, naisip namin na para hindi na kami umuwi rito, idiretso na rin namin kasi may Canada tour din kami with Ate Kim (Chiu), with Sweet, so, inayos na lang ng handler namin para hindi na masayang na pabalik-balik kami, so, from LA, tumuloy na kami sa Canada.”

Isa sa memorable experiences nila ay nang manood sila nang live ng Ellen show ni Ellen Degeneres sa U.S., ang pagpunta nila sa Niagara Falls sa Canada na say niya ay talagang nasa bucket list niya at ang first time niyang makapunta sa Las Vegas.

Ano ang mas na-discover pa niya kay Daniel sa one month nilang pagsasama sa abroad.

“Ah, na-discover ko na mahilig siya talagang kumain ng burger,” natatawang say ni Kathryn. “At saka, madali siyang kasama. Never naman siyang naging pabigat na kasama. ‘Yung game lang din siya sa lahat.”

Habang wala sila ni Daniel ay may naging viral na photo nila online kung saan ay parang magkahalikan sila sa airport ng Canada. Natawa si Kathryn at say niya, hindi raw totoong naghalikan sila.

“Mahilig kasi si DJ na ganunin (pisilin) ang mukha, inaasar niya ‘yung cheeks ko, so may mga tao na nandun na naghatid sa amin sa airport, may mga fans, so nu’ng nag-picture sila si­guro nung ginaganun ang face ko, parang na-block ‘yung face ko, so kung titingnan mo siya sa picture, parang hinahalikan ako,” paliwanag ni Kathryn.

Hindi naman daw siya affected dahil alam naman daw niyang hindi naman totoo.

“And andun din si Mommy sa airport so, ba’t naman namin ‘yun gagawin, so hindi po totoo,” paglilinaw pa ng young actress.

vuukle comment

ATE KIM

DANIEL

DANIEL PA

ELLEN DEGENERES

KATHRYN

KATHRYN AND DANIEL

NAMAN

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with