^

Pang Movies

Eula mas hirap sa pagpapatawa kaysa sa drama

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Excited na si Eula Caballero dahil sasabak siya sa fourth kilig offering of the week na WattPad Presents Almost A Cinderella Story na tatampukan nina Eula at Carl Guevarra.

Nag-e-enjoy ang aktres dahil isa itong comedy bagama’t nahihirapan siya rito kaysa sa drama. Kailangan daw kasi ang timing sa pagpapatawa. Pero ngayon, gamay na niya ang pagpapatawa at isa itong fulfillment para sa kanya.

Tatlong taon na sa showbiz si Eula at natutunan na ang pagiging humble.

“Sa showbiz, hindi mo kasi alam kung sino ang tapat mong kaibigan. Ang mahalaga, kailangang ma­ging humble ka kahit makamit mo pa ang tagumpay,” aniya.

Sa kabilang banda, inamin ng kaparehang si Carl Guevarra na noong una ay kabado siya kay Eula dahil first time silang magkakatrabaho. Pero habang tumatagal ay nagiging komportable sila sa isa’t isa.

Makakasama rin sa romantic comedy na ito sina Carmi Martin, Marvelous Alejo, Chris Leonardo, Christine Serrano, Danes Lee, at Jhayvot Galang.

Mapapanood ang Almost A Cinderella Story mula Lunes hanggang Biyernes at 7:30 p.m. simula October 13 sa TV5.

Top 5 couples sa I Do maraming natutunan

Limang couple na lang ang natitirang matibay sa Kapamilya realiseryeng I Do matapos ang lahat ng napagdanan nilang challenges na sumubok sa kanilang kahandaan para magpakasal kabilang na ang mga usaping pinansiyal, emosyonal, pamilya, at tiwala.

Maraming natutunan ang lahat laluna sa mga psychologist at life coach gaya ng pagiging handa bago magpakasal. Higit sa lahat, na-realize na ang Panginoon ang dapat nasa gitna para maging matibay ang isang relasyon.

Aling couple kaya ang tatanghaling ehemplo ng isang matibay na relasyon na pipiliin ng taumbayan at magwawagi sa grand wedding at premyong P1 milyon, house and lot at isang negosyo package?

vuukle comment

ALMOST A CINDERELLA STORY

CARL GUEVARRA

CARMI MARTIN

CHRIS LEONARDO

CHRISTINE SERRANO

DANES LEE

EULA

EULA CABALLERO

I DO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with