^

Pang Movies

Nalampasan ang dagok, Glenda cancer-free na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May isang taon na nga ang nakalipas noong unang ma-diagnose ang aktes na si Glenda Garcia na meron itong sakit na breast cancer.

October 8, 2013 noong ipaalam kay Glenda ng kanyang doctor na meron siyang breast cancer. Dahil nga sa tapang ni Glenda na harapin ang kanyang sakit at sa patuloy na panalangin sa Panginoon, napagwagian nga niya ang kanyang sakit at ngayon ay “cancer-free” na siya.

Masaya naman na ibinalita ni Glenda na maayos na ang kanyang pakiramdam at tuluy-tuloy lang ang kanyang ginagawa araw-araw sa kanilang tahanan.

God is so good to me and my family. Dahil sa patuloy na suporta nila at ng mga kaibigan, nandito pa rin tayo.

“Oo nga at may isang taon na pala since I discovered I had breast cancer. Thankful kaming lahat dahil nasa zero stage pa noong makita siya mabilis naagapan.

“Hindi rin madali ang pinagdaanan ko, pero dahil sa pagtitiwala natin sa Panginoon, I’ve survived it.”

Isa nga si Glenda sa mga volunteers na tumutulong sa ilang mga cancer patients since 2005. Naging dahilan din sila kung bakit naging matapang si Glenda sa pagharap sa sakit na cancer.

“Naging inspirasyon ko ang mga tinutulungan natin na cancer patients ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. at sa East Avenue Medical Center.

“Mas lalo akong tumapang na harapin ang sakit na ito. Hindi katapusan ng buhay kapag sinabing may cancer ka. Nandyan si God para tulungan tayo sa paggaling,” diin pa ni Glenda.

Hindi nga raw siya natigil sa pag-asikaso sa kanyang anak na si Carlo at sa mga pangangailangan nito.

‘Lahat ng mga dati kong ginagawa, hindi natigil because I want to beat cancer. That’s how thankful I am sa Panginoon dahil hindi Niya ako pinabayaan.”

Balik na rin sa pagtrabaho sa TV si Glenda sa Ang Lihim Ni Annasandra.

Robin hindi na talaga napatawad ng dating asawang si Paula sa ginawang pambababae

Sa wakas at nag-file na rin ng divorce ang Hollywood actress na si Paula Patton mula sa kanyang estranged husband, ang singer na si Robin Thicke.

Pagkatapos ng siyam na taong pagsasama, nauwi na nga sa hiwalayan ang lahat. Paula is also seeking joint legal and physical custody ng kanyang 4-year-old son na si Julian.

Naghiwalay noong February ng taong ito sina Paula at Robin pagkatapos na mabalitang may ibang babae si Robin.

Sinubukan ngang suyuin at ligawan ulit ni Robin ang kanyang estranged wife ng ilang beses. Ginawang title pa nga nito ang pangalang PAULA sa kanyang bagong album.

vuukle comment

ANG LIHIM NI ANNASANDRA

BREAST CARE

CANCER

DAHIL

GLENDA

KANYANG

PANGINOON

PAULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with