^

Pang Movies

Kris walang pag-asa kay Dennis

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Tinanong namin si Dennis Trillo kung okey bang katrabaho si Kris Bernal na kasama niya sa Hiram na Alaala.

Sabi ng aktor ‘‘Hanga ako sa pag-arte niya at walang problema kapag sinabi ni Direk na umiyak siya sa ilang eksena. Tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha nito. Para ngang gripo dahil walang tigil sa pagtulo ng luha.’’

Mahirap magkaroon ng relasyon ang dalawa dahil ayon kay Dennis magkaibigan sila at parang kapatid ang turing niya rito.

Napakaamo ng mukha, Elyza bagay na madre

Ilang teleserye na ang nilabasan ni Elyza Rivera na kabiyak ng dating Usec at ngayon ay presidente ng RPN na si Robert Rivera. Pinakahuli ni Elyza ang Kambal Sirena.

Aktibo rin ang magandang aktres sa paglabas sa indie movies. Kasama ito sa Edukasyon at ngayon ay madre ang karakter na gagampanan nito sa Gangster Lolo bilang kapatid ni Bembol Roco.

Bagay sa kanyang role si Elyza dahil maamo ang mukha nito at banayad pang magsalita. Siya lang ang nakakaintindi sa gangster na kapatid kaya nalungkot si Bembol nang sabihing magmo-mongha na siya.

Bukod sa pagiging artista ay isa ring manunulat ng aklat si Elyza at licensed broker.

Kim pinabulaanan na nagli-live in na sila ni Kiko

Pinabulaan ni Kim Rodriguez isa sa mga bida ng Strawberry Lane na nagli-live in na sila ni Kiko Estrada.

‘‘Naku! Hindi po totoo ang balita at bata pa ako para sirain ang aking career. Marami pa akong magagandang plano sa buhay’’, aniya.

Nagpapasalamat ang aktres dahil hindi naman siya pinababayaan ng GMA-7 at ‘di nawawalan ng proyekto. Maganda ang karakter na ginagampanan nito sa Strawberry Lane na boyish at kaibigan nina Bea Binene, Joyce Ching, at Joanna Marie Tan. Masaya ang aktres at inspirado sa trabaho dahil mataas ang rating ng kanilang teleserye.

vuukle comment

BEA BINENE

BEMBOL ROCO

DENNIS TRILLO

ELYZA

ELYZA RIVERA

GANGSTER LOLO

JOANNA MARIE TAN

JOYCE CHING

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with