^

Pang Movies

Kasalang Boots at King, pinagbigyan ng panahon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naki-cooperate kahapon ang panahon dahil hindi umulan kaya maayos na nairaos ang pag-iisang dibdib nina Boots Anson Roa at Atty. King Rodrigo.

Dahil mga professional, on the dot na nag­simula ang wedding ceremony. Early bird ang lahat ng mga abay at wedding spon­sor kaya walang na-late.

Sina Susan Roces, Marichu Vera Perez Maceda at Manila City Mayor Joseph Estrada ang mga prominent showbiz personality na tumayo bilang mga godparent ng mga bagong kasal.

May-I-share ko sa inyo ang ilang litra­to na kuha kahapon sa kasal nina Mama Boots at Atty. King, ang vintage Jaguar na sinakyan nila at ang pagma­martsa ni Mama Boots sa red carpet papunta sa altar.

May nagkuwento sa akin na very organized ang wedding cere­mony at wedding reception ng mga bagong kasal.

Hindi matapus-tapos ang pa­sasalamat ni Mama Boots sa mga miyembro ng media na nag-cover ng kasal nila ni Atty. King.

Ang fashion designer na si Eddie Baddeo ang gumawa ng wedding gown ni Mama Boots.

Pumayag si Eddie na magpainterbyu tungkol sa gown na ginawa niya pero tumanggi siya na magsalita tungkol kay Jenny Napoles.

Si Eddie ang unang nagpainterbyu noon tungkol sa friendship nila ni Mama Jenny bago ito sumuko at nakulong.

Very happy si Papa Erap para kay Mama Boots. Best of friends ang dalawa at si Mama Boots ang isa sa mga favorite leading lady ni Papa Erap sa pelikula.

Si Papa Erap ang founder ng MOWELFUND at si Mama Boots ang current chairman.

 

vuukle comment

BOOTS

BOOTS ANSON ROA

EDDIE BADDEO

JENNY NAPOLES

KING RODRIGO

MAMA

MAMA BOOTS

PAPA ERAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with