^

Pang Movies

Luis at Angel nagpapakaligaya sa Japan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinuturing ng Star For All Seasons Vilma Santos na isa sa “most memorable teleseryes” sa bansa ang top-rating family drama series ng ABS-CBN na The Legal Wife na nagtampok sa magkakaugnay na buhay nina Monica (Angel Locsin), Adrian (Jericho Rosales), Nicole (Maja Salvador), at Max (JC de Vera).

“Kakaibang show ito na tumatalakay sa pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya. Dito pinakita kung gaano kaimportante ang pagsasama ng mag-asawa at ang mga tunay na pinagdaraanan nila kapag sinusubok ng problema,” pahayag ni Vilma kaugnay ng top-rating at Twitter-trending seryeng handog sa viewers ang most exciting finale ngayong Biyernes (Hunyo 13).

“Sa The Legal Wife, pinakita ni Monica na pinaglaban niya ang kanyang pamilya, na iba kapag ikaw ang legal wife dahil ikaw talaga ang may hawak ng korona,” ani Ate Vi na aminadong gabi-gabing nakatutok sa serye.

Katulad ng maraming masugid na tagasubaybay ng programa, may sarili ring opinyon si Ate Vi sa nais niyang kahinatnan ng love story ni Monica.

“Kung ako si Monica at ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko pero pareho lang kaming magiging miserable ni Adrian, ‘wag na lang sigurong ituloy ang pagsasama,” pahayag ni Vilma.

Sa huli, saan nga ba dadalhin ng kani-kanilang mga desisyon at paninindigan sina Monica, Adrian, Nicole, at Max?

Samantala, para sa TV viewers na nais magsuot ng The Legal Wife statement shirts, mabibili na ito sa ABS-CBN Store na matatagpuan sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City. Available na rin ito online sa ABS-CBNstore.com.

Speaking of Angel, enjoy na enjoy sila ni Luis Manzano sa Japan. Yup, magkasamang nagbabakasyon ang dalawa sa Japan.

Matagal-tagal din nga kasing natali  si Angel sa taping ng TLW.  Kaya naman bumabawi sila ng boyfriend.

Nasa Japan si Angel para sa Saludo Sa Bayaning Pilipino Sa Japan.

Dapat nga raw sana ay may extension ang The Legal Wife pero may kanya-kanya na raw commitment ang mga bida kaya ending na sa Friday.

vuukle comment

ADRIAN

ANGEL LOCSIN

ATE VI

JERICHO ROSALES

LEGAL WIFE

LUIS MANZANO

MAJA SALVADOR

NASA JAPAN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with