^

Pang Movies

Asian Cruise sa Pepito Manaloto hindi pa tapos

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa natatapos ang Summer fun ng pamilya ni Pepito Manaloto (Michael V.) dahil patuloy pa rin ang much-awaited Asian Cruise nila ngayong Linggo (Mayo 18).

Pagkatapos ng kanilang masayang adventure sa Singapore, patungo naman sila ngayon sa Vietnam para sa isa na namang hindi malilimutang biyahe. Habang nagre-relax si Pepito sa cruise, pinoproblema naman ng kanyang asawang si Elsa (Manilyn Reynes) at ng kanyang anak na si Clarissa (Angel Satsumi) kung saan sila kakain.

Palagi namang nahihilo at hindi mapakali si Mimi (Nova Villa) habang nasa cruise. Kaya mukhang hindi mae-enjoy nina Tommy (Ronnie Henares) at Deedee (Jessa Zaragoza) ang kanilang biyahe dahil kailangan nila itong alagaan.

Samantala, gustong sulitin nina Chito (Jake Vargas) at Erika (Bea Binene) ang kanilang biyahe. Pero inaalala nila ang mararamdaman ni Nikki (Julie Anne San Jose) kapag nakita niyang masaya ang mga ito lalo na ngayong malungkot siya pagkatapos niyang nalamang nagsara na pala ang negosyo ng kanyang ina sa Singapore.

Magiging masaya pa kaya ang Summer escapade nila?

 

 

vuukle comment

ANGEL SATSUMI

ASIAN CRUISE

BEA BINENE

JAKE VARGAS

JESSA ZARAGOZA

JULIE ANNE SAN JOSE

MANILYN REYNES

MICHAEL V

NOVA VILLA

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with