^

Pang Movies

Derek kasal pa rin sa dating asawa!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Derek Ramsay, there’s someone special na nagpapasaya ngayon sa kanya, kaya naman he was asked kung nakikita na ba niya ang sariling magpapakasal na rin. “I’m at just point in my life that I’m not getting any younger but I don’t wanna put pressure on me,” he said.

Basta ang gusto lang daw niya ay masaya ang relasyon at tanggap ng mga pamilya nila ang isa’t isa.

 â€œWith that, life couldn’t be any better,” say pa ng aktor.

Napabalita na dati na kasal na si Derek sa isang non-showbiz half-Filipina when he was younger kaya naitanong din sa kanya ng entertainment press kung puwede na ba siyang magpakasal ngayon.

“Hindi pa. Inaayos ko pa ‘yung problema ko, alam n’yo naman ‘yun.

 â€œIt’s not that I don’t want to. Back in the days with Angelica (Panganiban, his ex-girlfriend) remember, sinabi na si Derek ang ayaw magpakasal. It’s not that.

 â€œKung gusto ng partner ko na magpakasal, ibibigay ko ‘yun,” he said.

Hindi naman daw siya napaso sa failure ng first marriage niya dahil normal naman daw sa buhay ang mga pagkakamali.

“There are stumbles that happen in your life and you’ll learn from it, you get back on your feet and you move forward.”

Hayden napatawad na si Sen. Bong

As expected, nagkita at nagkaayos na nga sina Sen. Bong Revilla at dating magkarelasyong Dra. Vicki Belo at Hayden Kho nang magkasama sila sa kanilang trip sa Holy Land na nagsimula noong March 29.

Last Friday ay nag-post si Hayden ng picture nila ni Sen. Bong na magkasama sa kanyang Instagram account kung saan ay makikitang pareho silang naka-smile.

May photo caption ang larawan na ganito ang nakasaad:

“But this is really the most amazing part of the trip- a miracle. No judgements please and no sour comments. All heavens rejoice for another soul pledged for Christ. As for me and Bong, “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, the Father of mercies and God of all comfort, who comforts us in all our affliction, so that we may be able to comfort those who are in any affliction, with the comfort with which we ourselves are comforted by God. 2 Corinthians 1:3-4.”

Bago pa man umalis ang dalawang grupo (kasama ni Sen. Bong ang kanyang pamilya) patungong Holy Land ay usap-usapan na sa showbiz ang bakasyon nila dahil para kasing pinagtiyap na nagkasabay pa sila ng date of booking.

Noon pa ay hinuhulaan na ngang malamang ay doon pa sila magkaayos na siya ngang nangyari. Even before he left, open na rin naman si Sen. Bong sa reconciliation dahil aniya ay matagal nang panahon ang lumipas at nagdesisyon na ang korte tungkol sa kasong kinasangkutan ni Hayden noon.

Matatandaang five years ago, nang magkaroon ng alitan sa pagitan nina Bong at Hayden (kasama na rin si Dra. Vicki na noo’y karelasyon ng doctor) nang tulungan ng Senador si Katrina Halili sa sex video controversy nito.

Dahil dito ay naalisan ng lisensiya si Hayden bilang doctor na siyempre ay lalong nagpalala ng galit ni Hayden kay Sen. Bong.

 

vuukle comment

BONG

BONG REVILLA

DEREK

DRA

GOD AND FATHER

HAYDEN

HAYDEN KHO

HOLY LAND

KATRINA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with