^

Pang Movies

Vic tinupad na ang bahay at lupa ni Ryzza Mae

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napuno ng iyakan ang studio ng Eat Bulaga kahapong nag-celebrate si Ryzza Mae Dizon ng first anniversary ng kanyang The Ryzza Mae Show. Pinangunahan ni Derek Ramsay ang maraming guests pero ang nakapagpaiyak sa bata at sa audience ay ang malaking box ng gift na regalo sa kanya ni Bossing Vic Sotto. Malaki ang box pero isang maliit na box na may key chain ang nabuksan nila. Doon nakalagay ang susi sa bago niyang house and lot. 

Noong una ay hindi nag-sink in agad kay Ryzza Mae ang sinabi ni Bossing Vic sa video message pero maya-maya ay umiyak na siya. Ayon kay Vic, may inaayos pa lamang sa bahay at very soon ay lilipat na si Ryzza Mae at ang family niya sa kanyang dream house na talaga namang pinaghirapan ni Aling Maliit sa pagtatrabaho sa loob ng isang taon. 

Kaya masayang aalis ngayong araw na ito ang child star para sa ilang shows ng Dabarkads sa Canada. Babalik sila sa April 14 na simula naman ng three-day Lenten presentation ng Eat Bulaga na maghahandog ng anim na episodes, titled Hulog ng Langit with their special guests.

 

Kris ayaw nang dumaldal pagkatapos umamin

 Inamin na rin ni Queen of All Media Kris Aquino ang totoo sa relasyon nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. 

Ang binasa niyang statement sa show nila ni Boy Abunda na Abunda & Aquino Tonight ay mula sa kanila ni Mayor Herbert at siya raw una at hu­ling pagsasalita niya at hindi na niya ito babanggitin sa alinmang shows niya, sa interviews, at sa kanyang personal social media posts. Magiging tahimik at private sila sa anumang development ng kanilang relasyon.

 

Mark ibinibigay na ang 80% na kita sa anak

Ipinarehistro na ni Mark Herras at taglay na ng kanyang anak na si Ada Sofia Nicolette ang apelyido niya. Next month, magaganap na ang binyagan at gusto ng aktor ay mapagbigyan ang lahat ng may gustong maging ninong at ninang ni Ada. Ipinauna na ni Mark na magiging private ang binyagan at wala itong TV coverage. As to the mother of Ada, wala raw silang pinag-usapan kundi ang pagpapalaki lamang nila sa bata. This early, naikuha na rin niya ng educational insurance ang anak dahil gusto niyang masiguro ang future nito. 

In fact, sa mga kinikita niya, 20 percent nito ay sa sarili niya at ang 80 percent ay para sa anak. Everyday, pinadadalhan daw siya sa Instagram ng picture ni Ada.

Four months old na si Ada na, ayon kay Mark, ay nakuha nito ang makapal niyang kilay, namana rin sa kanya ang pagta-tantrum nito at pagiging moody. Kaya relate na relate si Mark sa role niya as a young father sa primetime drama series nilang Rhodora X. Mag-asawa kasi sila ni Jennylyn Mercado as Rhodora sa story at may anak na sila, si Jenna kaya ini-enjoy daw niya ang mga eksena nila na parang anak niya talaga si Jenna.

As to his love life, zero ito dahil mas naka-focus siya sa pagpapalaki niya sa kanyang anak.

vuukle comment

ADA

ADA SOFIA NICOLETTE

ALING MALIIT

ANAK

AQUINO TONIGHT

BOSSING VIC

NIYA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with