^

Pang Movies

Vhong nawalan ng kumpiyansa sa sarili, hindi makahirit kay Solenn

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakasandig si Vhong Navarro sa suporta ng co-stars niya sa Da Possessed kaya naman matapos niyang bumalik sa TV at paggawa ng movie, naramdaman niya ang concern sa kanya ng mga ito kahit hindi sila masyadong nagkikita.

“Sila po ang nagbibigay ng lakas ng loob. Coach and prayers. Ang laban na ito, hindi ko lang laban. Itong pagsubok na ito, hindi ko lang pagsubok. Kumbaga, sama-sama na ’yon. Kumbaga, ’yon ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.

“’Yun nga lang po, nung nag-shoot kami, medyo…’Yung linya ko po na-short lang hindi ko mabanggit! Parang ito ’yung unang shooting day ko eh. Niloloko nga ako ni Direk Joyce (Bernal). ‘Kaya mo ba? Gusto mo palitan na kita?’ Hahaha! Sabi ko, ‘Wala kang choice, Direk, kasi may playdate na tayo!’

“Doon na lang namin binabaling ang sitwasyon upang hindi ko maramdaman ’yung nangyari,” pahayag ni Vhong sa presscon.

Sa panig naman ni Solenn, wala siyang keber kung second or third choice siya bilang leading lady ni Vhong. Una kasing nabalita na si Ellen Adarna ang kapareha niya. Nilinaw ito ng TV host-comedian.

“Ang totoo niyan, si Solenn po, gusto kong makasama sa pelikula. Nakita ko siya sa airport eh. Nasabi kong gusto ko siyang makasama sa pelikula. Exclusive po siya sa Regal (Entertainment, Inc.).

“Nagkataon lang po na ang management ang nagdesisyon na hindi muna isama si Ellen. Alam ko may iba rin siyang projects. Management decision po ’yon,” saad niya.

Kumusta naman ang safety niya at ng pamilya niya?

“Sa tulong po ng ABS-CBN, binibigyan kami ng security sa safehouse,” sabi niya.

So, sa nangyari sa kanya, nabawasan ba ang init ng lambing at halik niya kay Solenn?

“Hahaha! ’Yun nga po ang sinasabi ko na ’yung mga una kong eksena kay Solenn, naapektuhan talaga. Nawala ang kumpiyansa ko!

“’Yung mga kissing scene, na kay Direk Joyce na ’yon. Hindi ko masabing, ‘Direk, isa paaaaa!’ Saka ayaw ko naman mag-take advantage pagda­ting sa mga eksenang ’yon,” tugon ni Vhong.

Hindi siya natakot sa eksenang ’yon?

“’Yun po kasi ang part ng character ko eh. Kaya wala po ’yon,” say ng host-comedian.

Sa muling pagsalang sa movie after ng kontro­bersiya, nagpapasalamat si Vhong sa lahat ng tao na sumuporta, naniwala at nagdasal para sa kanya.

“Iba po ’yon na binigay nila sa akin. ’Yun po ang lakas ng loob para harapin ko ang pagsubok na ito. Gusto ko   lang din ulitin na huwag nilang itigil (ang suporta).

“Kung tinulungan nila ako sa simula, gusto ko uling humingi ng tulong hanggang sa ngayon. Hanggang sa hindi pa natatapos ang pagsubok na ito. Sa kanila, sa inyo ako kumakapit upang kumuha ng lakas,” pahayag ni Vhong.

vuukle comment

DA POSSESSED

DIREK

DIREK JOYCE

NIYA

SOLENN

VHONG

YON

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with