^

Pang Movies

Vice ibinuko na hindi na naman brokenhearted si Kris

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi sinasadyang maibuking ni Vice Ganda sa entertainment press na dumalo sa kanyang thank you presscon last Wednesday na foreigner pala ang suitor ni Kris Aquino.

 â€œParang nabigla na naman ako sa sinabi ko,” say niya agad nang bigla nga niyang masabi na foreigner ang guy. Pero maliban dun ay ayaw nang magbigay pa ng detalye ng box-office gay comedian.

Hindi rin namin sure kung ang foreigner na ito ba ang bagong suitor o ito ba ’yung naging dahilan kung bakit na-semi-brokenhearted si Kris.

Nang tanungin kasi ulit si Vice about this, ayaw na raw niyang magsalita at si Kris na lang daw ang tanungin namin.

Naise-share naman daw sa kanya ni Kris ang tungkol nga sa bagong love life nito pero minsan daw ay ayaw nang magtiwala sa kanya ng kaibigan dahil nga idinadaldal niya.

 â€œPero hindi na siya brokenhearted. Happy na siya uli,” hirit pa ni Vice.

Giit pa niya, naging semi-brokenhearted lang naman daw ang kaibigan for a while.

Happy din si Vice na nagkaayos na si Kris at ang ex-husband nitong si James Yap.

“Masaya siya ngayon eh. Masaya ’yung puso niya, masaya ’yung buhay niya, kaya siguro dedma siya sa nega kasi nga masaya siya. Gusto niya mga positibo.

 â€œWala ring masama sa ginawa niyang pakikipag-ayos. Mas maraming blessings, mas positive ang ini-invite mo kapag tama ang ginagawa mo,” sabi pa ni Vice Ganda.

Samantala, nakatakdang umalis ang komedyante this coming Wednesday, Feb. 26 para mag-show sa US na I-Vice Ganda Mo Ako sa Amerika.

Two weeks daw siyang mawawala sa ’Pinas at sa kanyang noontime show na It’s Showtime.

Katamaran ni Janno lumipas na

Nakatutuwang makita ang pagiging aktibo muli ngayon ni Janno Gibbs sa paggawa ng kanta.

Ang naging campaign song ng Kapuso Network na Bangon Kaibigan para sa mga biktima ng Yolanda ay komposisyon ni Janno.

Bukod pa rito, ang actor/singer din ang gumawa at kumanta ng theme song ng bagong panghapong serye ng GMA 7 na Paraiso Ko’y Ikaw, na isa rin siya sa cast.

Medyo nag-lie low sa paglikha ng kanta ang singer-comedian dahil aniya ay na-writer’s block daw siya na dumadating talaga minsan sa mga songwriter.

Muli lang bumalik ang gana niya sa paggawa nang maganap ang Yolanda super typhoon dahil masyado raw siyang naapektuhan sa nangyari sa mga biktima.

 

vuukle comment

BANGON KAIBIGAN

I-VICE GANDA MO AKO

JAMES YAP

JANNO

JANNO GIBBS

KAPUSO NETWORK

KRIS AQUINO

MASAYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with