^

Pang Movies

Tirso, dawit sa demanda

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

 Nagsampa ng kasong cyber libel ang dating Film Development Council of the Philippines chairman na si Liza Diño laban sa isang entertainment website dahil diumano sa sunud-sunod na nakakasirang mga pahayag laban sa kanya noong nakaraang taon.

Kasama sa sinampahan ng kaso ang editor-in-chief ng nasabing portal, ang news editor noon, at nasabit pa ang nakahalili niya sa puwestong si Tirso Cruz III at ang kasalukuyang FDCP Chairman Joey Reyes.

Ayon sa abogado ni Liza hindi masasabing ang serye ng mga nakakasirang istorya ay bahagi ng malayang pamamahayag kundi mukhang isang propaganda laban sa dating FDCP chairman.

Naging kontrobersiyal kasi ang pagpapalitan ng posisyon sa FDCP, dahil matapos ang kanyang tatlong taong termino nagpatuloy si Diño kahit na hindi siya muling binigyan ng three year appointment ni dating Presidente Duterte, at natural lang na magpatuloy siya dahil hindi naman siya pinalitan. Nang paalis na sa puwesto si Duterte at saka siya mu­ling binigyan ng three year appointment na inaakala nilang dapat ipatupad ng kasunod na administrasyon. Pero ang naging katuwiran naman doon, ang ano mang appointment na ginawa ng isang papaalis nang president ay co-terminus sa pagwawakas ng kanyang termino.

Maraming lumabas na tsismis noon, may nagsasabi pang hinarang at ipinatago ni Liza ang duma­ting na appointment ni Pip mula sa Malacañang pero inilabas din iyon ng isa nilang staff kaya dumating na lang si Pip para mag-take over. Wala namang naging pahayag si Diño tungkol sa mga bagay na iyon.

Marami pang ibang controversy noon at iyon nga siguro ang sinasabi ni Diño na orchestrated na paninira laban sa kanya.

Marami pang naging mga bintang sa kanya na sinabi niyang nakasira sa kanyang personalidad kaya nagsampa siya ng kaso ngayon sa Quezon City.

Pag-aaralan pa ng piskalya ang mga reklamo bago makita kung sasampa nga ba iyon sa korte o hindi.

Kim, nilantad na may bagong mahal

“Sorry may mahal na akong iba” ang malakas na pahayag ni Kim Chiu sa kanilang noontime show na siyempre may kinalaman sa mga statement ng dating syotang si Xian Lim.

Nauna rito sinabi ni Xian na matagal na silang split ni Kim pero ayaw ni Kim na ilabas sa publiko ang breakup agad dahil baka diumano makaapekto iyon sa projects na kanyang gagawin.

Ngayon mukhang nahuli na ang statement ni Kim, dahil ano pa ang silbi sabihin man niyang may mahal na siyang iba eh naibandera na ni Xian hanggang sa Cannes Film Festival ang bago niyang syotang si Iris Lee.

Nagtuloy ang dalawa sa France matapos ang shooting ng kanilang ginawang pelikula sa abroad.

Bakit kailangan pang mag-sorry si Kim kung may mahal na siyang iba, eh si Xian nga inamin na at nilantad pa sa publiko ang bago niyang syota.

James, nagpapakita na ulit ng katawan

Sa kanyang bagong video para sa isang kanta, nakahubad na naman si James Reid. Walang dudang ang sinasakyan pa niya ay iyong dating formula na nagpasikat sa kanya, iyong kanyang pagpapa-sexy noong araw.

Pero noon kaya masyadong sexy ang kanyang da­ting dahil bago pa lang siya at saka nagko-compliment ang personalidad nila ng dating partner at syotang si Nadine Lustre. Kung sinasabi noong araw na si James ang bumatak pataas kay Nadine, ngayon mukhang hindi makabawi si James nang mawala sa kanya si Nadine. Si Nadine ay mas nakapag-establish ng kanyang career bilang isang aktres, at naging top grosser pa ng MMFF, bukod sa nanalo ng acting awards.

Gay Starlet, inayawan ng madatung na bading!

Panay ang pa-sexy ng isang male starlet sa kanyang social media posts, hindi pa naman kasi siya pinapatulan ng legitimate media eh.

Pero ang sabi, hindi siya nagpapa-sexy dahil sa mga ginagawa niyang gay series. Actually ang pagpapa-sexy niya ay para matawag ang pansin ng “clients” na mga mayayamang bakla o matrona na maaaring magka-interest sa kanya.

Iniwan na kasi siya ng madatung na bading na nagpala sa kanya dahil nagkaroon iyon ng suspetsa na bading din siya.

Nang tanungin kasi iyon ng isang kaibigan kung bakit bihira na silang magkasama, tumili ang bading at nagsabing “ayoko nang kumain ng sarili kong matris.” Iyon na!

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with