^

Probinsiya

Taga-Angeles City wagi ng P54 milyon sa lotto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Taga-Angeles City wagi ng P54 milyon sa lotto
Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outlet in Taguig City on November 17, 2023.
Philstar/Irra Lising

MANILA, Philippines — Solo winner ang masu­werteng mag-­uuwi ng P54 milyon, na bumili ng lotto ticket sa Angeles City, Pampanga.

Sa report na inilabas ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO), ang mananaya ay kukubra ng P54,082,689.80 jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, na binola nitong Sabado ng gabi sa Mandaluyong City.

Ang nasabing winning combination ay “08 -16 - 25- 44 - 06 - 34”. 

May 9 pang mananaya ang nagwagi ng tig-P100,000.00, nasa 765 ang kukubra ng P1,500.00 at may 16,921 ang nanalo ng P60.00.

Samantala, wala namang nakadale sa draw ng Lotto 6/42 na may jackpot prize na P5,940,000 nitong Sabado.

Muling paalala ng pamunuan ng PCSO na ingatan ang mga winning ticket upang hindi magkaroon ng aberya sa pag-claim ng prizes.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with