^

Pang Movies

Young actress ubod ng baduy kahit may stylist

STARTALK - Lolit Solis - The Philippine Star

Panlalait ang natikman ng young actress na dumalo sa isang showbiz event dahil sa kanyang baduy na outfit.

Feeling maganda ang young actress, itsurang hindi angkop sa  okasyon ang kanyang damit na  madalas gamitin ng  vaudeville dancer noong early 30’s. Ganyan kabaduy ang young actress  na lihim na pinagtatawanan ng mga naka-sight sa kanyang outfit.

Matagal nang fashion victim ang young actress na may stylist pero bigo ito na gawin na class ang image ng kanyang kliyente na likas ang kabaduyan.

 

Louise super react sa pananampal ni Sarah kay Enzo

Showing ngayon sa mga sinehan ang Basement ng Coffee House Productions at Springboard  Film Productions.

Starring sa Basement ang mga artista ng GMA Artist Center sa pangunguna nina Kristoffer Martin, Louise delos Reyes, Chynna Ortaleza, Enzo Pineda, Sarah Lahbati, Kevin Santos, Betong Sumaya, at Mona Louise Rey.

Kasama rin sa pelikula si Pilita Corrales at Ellen Adarna na gumanap na manananggal. Ibang-ibang ang kuwento ng Basement sa British horror movie na Basement din ang title at ipinalabas noong 2010.

May nagkuwento sa akin na nag-react si Louise sa eksena na sinampal ni Sarah ang kanyang boyfriend na si Enzo. Ganyan ka-in love si Louise kay Enzo. Super-react siya kesehodang pelikula lang ang kanyang pinanonood.

Ibang boses ang nag-dub ng mga linya ni Sarah sa Basement. Natapos ni Sarah ang shooting ng Basement pero hindi na siya nakapag-dubbing dahil nagkaroon na sila ng demandahan ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Matagal na nanatili si Sarah sa Switzerland at hindi naman siya puwedeng hintayin para sa dubbing ng kanyang mga dialogue dahil may playdate na hinahabol ang mga produ.

Pinaghirapan ni Sarah ang Basement. Kahit papaano, excited siya na mapanood ang pelikula na pinagpaguran at pinagpuyatan niya.

Malay natin, baka panoorin nila ni Richard Gutierrez nang sabay  ang Basement dahil  frequent visitor sa set ang aktor habang ginagawa ni Sarah ang pelikula?

 

Max Collins walang yabang sa katawan

Two years ang bagong kontrata na pinirmahan ni Max Collins sa GMA 7 noong Lunes. Nauna muna ang presscon ng Innamorata bago ang renewal ni Max ng kontrata.

Ang Innamorata ang bagong show ni Max sa Kapuso Network. Kung suporta si Max sa Pahiram ng Sandali, bidang-bida na siya sa Innamorata.

Ang Pahiram ng Sandali ang drama series na pinagbidahan nina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes. Maganda ang role ni Max sa teleserye na tinanggihan noon ni Kylie Padilla.

 Si Lorna ang nagkuwento sa akin na mabait na bata si Max at agree ako sa kanya dahil pati ang mga reporter, hanga sa  magandang ugali niya. Walang kayabang-yabang sa katawan si Max na napagkakamalan na supladita dahil sa kanyang mestiza features. Sa totoong buhay, down-to-earth at mahusay ma­kisama ang lead actress ng Innamorata.

 

Fans ni Vhong nag-aalala sa pawalang balita ng pambubugbog

Worried ang fans ni Vhong Navarro dahil napansin daw nila na pawala na ang mga balita tungkol sa kaso ng TV host/comedian.

Walang dapat ipag-alala ang supporters ni Vhong dahil hindi siya pinababayaan ng kanyang mga abogado. Kumikilos ang mga legal counsel ni Vhong para magkaroon ng katarungan ang pang-uumbag sa kanya ng grupo ni Ced­ric Lee.

Hindi naman puwedeng forever na si Vhong ang laman ng mga news prog­ram at diyaryo ‘no! Maraming kaganapan sa ating bansa na dapat pagtuunan ng pansin ng media.

vuukle comment

BASEMENT

DAHIL

ENZO

INNAMORATA

KANYANG

VHONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with