^

Pang Movies

John Lloyd at Ruffa nagkabalikan?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglapat ang labi nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz sa plug ng guesting ng host-actress this Sunday sa Home Sweetie Home. Obviously tapos na ang awayan nila nung panahong nali-link silang dalawa sa isa’t isa, huh!

“Masaya ang naging taping namin. Si Ruffa, naging game, naging sport. Maganda yung naging taping namin and hopefully pag pinalabas magustuhan ng fans namin ni Ruffa! Hahaha!” sabi ni Lloydie sa first monthsary ng sitcom nila ni Toni Gonzaga.

Hindi naman daw yon ang muling engkuwentro nila ni Ruffa after ng hidwaan. Nagkikita sila sa showbiz occassions.

Kinilig ba uli si Ruffa nang magkita sila?

“Alam ninyo hindI ko po alam. Mas mabuting hindi ko alam!” tugon ni JLC.

Pelikulang nakakabasa na pala… patok na patok sa mga estudyante

Panalo sa mga estudyante ang naganap na premiere/preview ng Viva movie na ABNKKBSNPala Ako last Wednesday sa UP Theater! Patunay na patok sa mga estudyante ang book ni Bob Ong, huh!

Iniba naman ng Viva ang marketing ng Jericho Rosales-Andi Eigenmann starrer. Sanay din kasi ang kumpanya sa paggawa ng movie tungkol sa buhay sa campus kaya inilapit nila ito sa mga mag-aaral!

Throw back ang konsepto ng movie kaya naman click din ang bagong areglo ng theme song na Tuloy Pa Rin na pinasikat ni Ito Rapadas.

Sa Feb 19 ang showing ng campus movie ng taon na punum-puno ng kabaliwan!

Miles pinigilang ma-in love kay Marco

Two years na ang youth-oriented show ng Channel 2 na Luv U. Bumalik sa show si Marco Gumabao bilang ka-love team ni Miles Ocampo. Sa present group ngayon, angat ang love team nina Nash Aguas at Alexa.

Eh sa presscon ng show, kinulit si Miles kung nahulog ba ang loob niya kay Marco.

“Hindi siguro po pag lagi kayong magkasama, araw-araw tapos ‘yung eksenang ginagawa ninyo sweet-sweetan..., kahit papano naman po! Ay hindi naman hulog na hulog! Naumpog po ako! Hahaha!

“Hindi. Pag lagi kayong magkasama madadala kayo sa flow ng pangyayari!” pahayag ni Myles.

Hanggang saan siya nahulog?

“Hanggang dito ho (turo niya sa dibdib!) Hahaha!” game na sagot ng young star.

Sa pagbabalik ng young actor sa series, balik daw muli sila sa pagiging friends.

vuukle comment

BOB ONG

HAHAHA

HANGGANG

HOME SWEETIE HOME

ITO RAPADAS

JERICHO ROSALES-ANDI EIGENMANN

JOHN LLOYD CRUZ

LUV U

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with