^

Pang Movies

Aktres nagsasanla na lang ng mga alahas na nakulimbat sa pulitiko na under investigation ngayon

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na alam ng dating sexy actress na ito ang kanyang gagawin dahil baka palayasin na siya sa tinitirhan niyang bahay at mahatak ang kanyang mamahaling kotse dahil sa ginagawang imbestigasyon sa kalukadidang niyang pulitiko.

Under investigation ang mga ari-arian ng naturang politician na ito na galing pa sa probinsiya. Matagal na itong papa-papahan ng dating sexy actress noong kasalukuyang namama­yagpag pa siya sa pelikula. Nag-decide itong biglang tumigil dahil iginarahe na siya ng pulitiko.

Pero ngayon ay nangangamba ang dating sexy actress dahil baka any moment ay paalisin siya sa bahay o i-padlock ito kapag wala siya. At pati na ang regalo sa kanyang kotse ay biglang mawala na lang sa parking lot.

“Takot na takot ang lukaret kasi nga wala naman sa pangalan niya ang condo at kotse niya,” tsika ng aming friend na close sa dating sexy actress.

“Noon pa namin sinabihan ’yan na ipalipat niya sa name niya ang condo at sasakyan para safe siya. Eh nagmamaganda at hindi naman daw siya iiwan ng papa niya. Hayun, ngayon siya natataranta kasi baka nga sa kalsada na siya matulog balang araw kapag ipinasara ang condo niya.”

Itinakwil na ang dating sexy star ng kanyang pamilya dahil sa pagsama nito sa pulitiko na may asawa’t mga anak pala. Kahit na against ang kanyang pamilya, nagpumilit pa rin ang dating sexy actress na makisama sa politician lover.

“Dahil sa lalaking ‘yon ay tumigil siya sa dating trabaho niya at nagbuhay reyna siya. Pero I doubt na may naipon ang luka-luka. Hindi naman siya nagbibigay sa pamilya niya. Ubos-biyaya siya kaya hayan mauubos na rin ang mga biyaya niya balang araw,” sabi pa ng source.

Hindi na raw tumatawag sa dating sexy actress ang kanyang papa na pulitiko. Kapag tinatawagan daw niya ito, patay ang cell phone. Hindi niya alam kung bayad na ba ang bahay at ang monthly payment sa kotse.

Kaya ang tanging ginagawa na muna ng dating sexy actress ay ang magsangla ng mga alahas na regalo sa kanya para may pera siyang madala kung sakaling biglang mawala ang lahat.

Adam Sandler nangunguna sa mabibigyan ng worst actor award, pangatlo na

Mukhang matatanggap ng Hollywood comedian na si Adam Sandler ang kanyang third worst actor award mula sa Golden Raspberry Awards or Razzies.

Nakatanggap siya ng Razzie noong 2013 for Jack and Jill at noong 2012 for That’s My Boy.

This year ay nominated na naman siya for worst actor for Grown Ups 2. Makakalaban niya sa naturang ca­tegory sina Johnny Depp for The Lone Ranger at Sylvester Stallone for the films Bullet to the Head, Escape Plan, and Grudge Match.

For worst actress naman, nominated sina Halle Berry for The Call and Movie 43; Lindsay Lohan, Selena Gomez, Lady Gaga, Kim Kardashian, and Naomi Watts for Movie 43; and Naomi Watts for Diana.

Nominees naman for worst film ang Grown Ups 2, After Earth, A Madea Christmas, The Lone Ranger, and Movie 43.

Ipapamahagi ng Razzie ang kanilang award on March 1 bago ang Academy Awards ceremony.

In 2015, baka magkaroon na ng televised ceremony ang Razzie Awards.

 

vuukle comment

ACTRESS

ADAM SANDLER

DATING

GROWN UPS

LONE RANGER

NAOMI WATTS

NIYA

SEXY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with