^

Pang Movies

Mga na-hostage ng mafia sa India habang nagso-shooting, pumiyok na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumahimik na lang si Martin Escudero nang dumepensa ang producer ng Mumbai Love na si Neil Jeswani sa balitang na-hostage diumano ng grupo ng mafia sa India ang grupo nila habang nagsyu-shooting doon. Tawag ng producer, interruption lang ang naganap at na-misquote lang si Martin.

Naglabas din kasi ng pahayag ang director ng movie na si Benito Bautista tungkol sa isyung ‘yon. Sinuportahan na lang ng young actor ang pahayag kesa lumaki ang issue.

 â€œNa-explain naman ‘yon ng malinaw at nasabi ang totoo kaya maiintindihan naman siguro ‘yon ng mambabasa. Siguro may part din ako na mali. Kung may salita rin na iba na ang kinalabasan,” pahayag ni Martin komo sa siya ang naka-experience ng pangyayaring iyon.

Itinanggi naman ng nagbabalik na artista na si Kiko Matos na na-hostage sila habang nagso-shooting doon.

“That’s big news kung hostage nga ‘yon. Sabi nga ng producer, we were just interrupted. Naghintay lang naman kami hanggang makapag-resume kami ng shooting,” saad naman ni Kiko.

Eh sa isyung hindi tinapos ni Raymond Bagatsing ang mga eksena niya, ayon sa director, natapos naman niya ang mga eksena. Komo nagmamadali paalis si Raymond, iniksian na lang ang kanyang mga eksena upang hindi maapektuhan ang buong pelikula.

Sa totoo lang, hitsura ng isang Bollywood movie ang Mumbai Love. Makulay at masaya ang dating kaya umaasa ang producer na Capestone Pictures, Inc. at Solar Entertainment Corporation na magugustuhan ito ng publiko.

Kim todo ang ginagawang pagpapa-sexy

Fifteen years old pa lang si Kim Rodriguez at lumalabas na bilang bit player nang mapansin siya ni Direk Joyce Bernal.

“Ang ganda ng batang ito.  Bakit hindi ka mag-artista?” sabi raw ni Direk Joyce sa kanya sa una nilang engkuwentro.

Kaya naman nang muli silang magkita ng direktora sa screen test ng pinagbibidahang series na Paraiso Ko’y Ikaw na si Direk Joyce ang direktor, ipinaalala ni Kim ang una nilang pagkikita. In fairness, natandaan naman siya ng direktora at hindi siya idinenay, huh!

Komo nga sexy dapat ang dating sa series, super diet si Kim kaya suha ang hindi nawawalang fruit na kinakain niya. After six o’clock din ay wa na siya eat!

Kaya naman mahumaling man sa kanya ang leading man na si Kristoffer Martin, baka mapoot na sa kanya ang dating dyowa ng young actor na si Joyce Ching na magpapahirap sa kanya sa series, huh!

“Magpo-focus muna ako sa trabaho dahil may condo at sasakyan pa akong binabayaran. Hahaha!” rason ni Kim.

 

vuukle comment

BENITO BAUTISTA

CAPESTONE PICTURES

DIREK JOYCE

DIREK JOYCE BERNAL

JOYCE CHING

KAYA

LANG

MUMBAI LOVE

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with