^

Pang Movies

Parents ng young actor inireklamo ang young actor Dinna namboboso!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagsampa ng reklamo ang parents ng isang sikat na young actor ngayon laban sa isang young actor din na nakasama ng kanilang anak sa teleserye na matagal nang natapos.

Sumugod sa opisina ng head ng mga talent sa isang TV network ang parents ng young actor para ireklamo ang pamboboso diumano ng kasama nitong young actor sa kanilang anak.

Kuwento ng aming source, magkasama sa isang tent ang dalawang young actors pero naglagay ng partition ang isang young actor dahil hindi ito sanay na maghubad kapag may ibang tao sa paligid.

 â€œNagulat na lang si young actor nang minsang nagpapalit siya ng underwear ay nahuli niya ang kasama niyang young actor na sinisilipan siya sa tabi ng partition.

 â€œPero imbes daw na umalis na ang nangbobosong young actor, ngumiti pa raw ito at tinagalan pa ang titig sa nagbibihis na young actor.

 â€œNung sinabihan na siya ng young actor ng ‘What’s your problem bro?” doon lang daw ito lumabas ng tent.

 â€œSince then nag-request na ang young actor na ilipat siya ng tent dahil ayaw niyang makasama ang young actor na binosohan siya,” pagdedetalye ng aming source.

Pero hindi agad-agad na napagbigyan ang young actor dahil kailangan pa nila ng approval mula sa head ng production. Kahit nga raw tanggalin na lang sa talent fee ng young actor ang iuupa sa tent na ibibigay sa kanya basta hindi lang niya makasama ang mambobosong young actor.

Dagdag pa ng aming source: “Ang worry kasi ng young actor na baka hindi lang ‘yun ang first time na nabosohan siya. Matagal din silang nagkasama sa tent at baka nabosohan siya ng ilang beses na hindi niya alam. Eh tuwing nagbibihis siya, nandoon parati sa loob ng tent ang young actor at baka nagkukunwaring tulog lang.”

Kaya para maaksiyunan ang reklamo ni young actor, sinabi na niya ito sa kanyang parents na nagulat dahil hindi nila akalain na bading pala ang kasama nitong kapwa aktor. Agad-agad na sumugod ang mga ito para iharap ang reklamo ng kanilang anak.

Ayaw na nilang makasama ng kanilang anak ang mambobosong young actor sa anumang project dahil masyadong na-stress ang kanilang anak sa mga pangyayari.

Nangako naman ang management na hindi na nila pagsasamahin ang dalawa at papatawan ng sanction ang young actor dahil sa pamboboso sa co-star niyang lalaki.

Showbiz wedding nauso din nung 2013

Kung may mga hiwalayan sa showbiz, meron din namang namuong mga relasyon at ‘yung iba ay nauwi sa pagpapakasal.

Kabilang na sa mga nagpakasal noong 2013 ay  ang singer na si Richard Poon at ang ABS-CBN actress na si Maricar Reyes.

Ikinasal din ang mga produkto ng Pinoy Big Brother na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco o mas kilala bilang Melason. Buntis na si Melai nang ikasal sila kamakailan.

Gumawa ng paraan ang legendary Pinoy singer na si Freddie Aguilar para mapakasalan ang kanyang 16-year-old girlfriend. Nagpa-convert siya to Muslim para maging legal ang pagsasama nila kahit na tutol dito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pagkatapos ng matagal na panahon ay ikinasal for the first time ang veteran award-winning actress na si Chanda Romero sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jose Mari Alejandro.

Nagpakasal din ang panganay nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Paolo Valenciano sa long-time girlfriend nitong si Samantha Godinez.

Ikinasal din ang produkto ng Pinoy Big Brother Teen Edition na si Matt Evans sa girlfriend nitong si Katrina Fariñas. May anak naman si Matt sa ibang babae, ang ex-girlfriend niyang si Johnelline Hickins.

Nag-goodbye na sa kanyang pagiging bachelor ang TV host at basketball player na si Chris Tiu sa kanyang girlfriend na si Clarisse Ong sa Canada.

Nag-exchange “I do” naman ang Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup sa kanyang fiancé na si Lloyd Lee kamakailan.

At humabol sa taong ito ang TV and film director/congressman na si Lino Cayetano sa volleyball player girlfriend nitong si Fille Cainglet.

Nalalapit na rin ang pagpapakasal nina Iya Villania at Drew Arellano; Karylle at Yael Yuzon; at Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo sa first and second quarter ng 2014.

Nasa plano rin ang pagpapakasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero; Jericho Rosales at TV host girlfriend Kim Jones; John Prats at Isabel Oli.

Nauso na rin ang same-sex marriage at pinangunahan ito ng TV director na si Jun Lana at ng TV5 executive na si Perci Intalan na ikinasal sa New York City sa Amerika.

Hindi naman itinatago ni Aiza Seguerra na nais niyang pakasalan ang kanyang lady love na si Liza Dino. Gayun din si Charice na balak pakasalan ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano kahit na sobrang against ang kanyang pamilya.

GMA stars nangunguna sa baby boom

Nagkaroon din ng baby boom sa showbiz. Nanganak ang mga produkto ng reality-based artista search ng GMA 7 na Starstruck.

Unang nanganak in 2013 si Stef Prescott to a baby boy they call EZ. Hindi pa kasal si Stef sa ama ng kanyang baby na si JP Yap na isang businessman at male model.

Sunod namang nanganak ang kontrobersiyal na si Iwa Moto sa isang baby girl named Hiromi Eve o Mimi. Ang ama nito ay ang estranged husband ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson.

Nagkaroon pa ng alitan sa pagitan nina Iwa at Jodi noon at napunta si Pampi kay Iwa samantalang si Jodi ay karelasyon na si Jolo Revilla. Nga­yon ay okay na ang dalawang aktres at maayos na silang nag-uusap dahil pinagbati raw sila ng anak ni Jodi kay Pampi na si Thirdy na naging close na kay Iwa.

Sunod namang na­nganak ay ang comedienne na si Chariz Solomon sa isang baby boy named Apollo. Ikinasal si Chariz sa kanyang boyfriend na si Nestor Ng noong December 2012.

Balita namang nanganak na si Sarah Lahbati noong April 2013 sa baby nila ni Richard Gutierrez. Wala pang confirmation or pagde-deny na ginagawa ang dalawa. Magkasama ang couple sa Amerika noong nakaraang Pasko at New Year.

Nanganak naman kamakailan ang misis ni TJ Trinidad na si Marga Valdes. Isang baby girl ito named Renata Christianne.

Kasalukuyang buntis naman si Jolina Magda­ngal sa first baby nila ng kanyang mister na si Mark Escueta. Baby boy ito at ang due date niya ay sa February.

vuukle comment

ACTOR

BABY

DIN

IKINASAL

ISANG

KANYANG

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with