^

Pang Movies

Direk tinaguan ang mga inaanak

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pati ba mga celebrity nagtatago kung Pasko? Ang reklamo ng mga inaanak ng isang Madam Curie na director, nowhere to be found si Direk sa kanilang bahay. Ang sabi ng kanilang nadatnan, nasa abroad at may ginagawang movie doon. Hindi man lang nag-iwan kahit mga gifts sa mga namasko sa kanya!

Mga taga-GMA hindi makuntento sa mga awards

Sa rami ng mga awards na natanggap ng GMA 7 this 2013, including the Catholic Mass Media Awards and PMPC Star Awards for TV, dapat sanang makuntento na sila.

Ang daing ng showbiz press laban sa network, ang kanilang mga staff sa corporate PR, sobra pa rin ang reaksiyon kapag na-criticize o napintasan sila sa mga columns at iba pang write-ups.

Sa aking mga nakausap na manunulat sa showbiz, ang reklamo nila, tinuturing silang kaaway ng mga PRO ng network, kapag medyo nakanti o tipong negative ang kanilang naisulat.

The worst was, banned na sila sa mga presscon o anumang mga okasyon ng mga Kapuso network. Okay lang naman sa iba na ang pagdalo sa mga ganitong event ay hindi nila bread and butter.

Say nga ng isang beterana: “It is not my lost, theirs.” At kung meron namang kailangang tulong, biglang babait at maaalala ka.

Well, saleable pa rin ang Tupperware hanggang ngayon!

Maligayang Pasko sa mga gumawa ng iba’t ibang klaseng salad na ang pinag­lagyan ay mga durable na plastic wares.

Christmas album ni Jose Mari Chan tuloy ang paghataw

This week, dominated muli ng iba’t ibang Christmas albums both the overall and OPM ang music charts. Hindi dapat magtaka na kasama sa mga hits ang Christmas In Our Hearts ni Jose Mari Chan at ang kanyang bagong labas na Going Home to Christmas, under his own Signature Music label.

Pahinga muna this week ang mga pop CDs, na hindi Pamasko. Tiyak na pagpasok ng 2014, muli silang kasali sa pinakamabibili.

Ilang artista nagkuripot sa carolers

Sa mga pinasyalan ng mga Philippine Movie Press Club carolers, meron din namang very generous at kahit papaano, may sobrang kunat! Kumpleto ang aming listahan at lubos ang pasasalamat sa aming fund-raiser for Yolanda victims.

Bawal pong sabihin kung sino ang pinakamatulungin o kung sino ang Ma­dam Curie.

Kung sakaling magkita-kita tayo, baka sakaling ibulong na lang sa inyo, kung maaalala pa namin.

Sa aming palagay, hindi naman pagdaramot ang kanilang ginawa. Baka mahigpit din ang kanilang pangangailangan, kahit parating may trabaho the whole year round. Buti pa ’yong mga hindi pa gaanong popular, nakatulong nang buong puso.

Kathryn takot aminin si Daniel

Hanggang ngayon, hindi pa hayagan kung may seryosong relasyon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kahit pilitin siya ng press, walang mapipigang juicy news sa young actress.

Mukhang ayaw pang lumantad, maliban sa kanilang publicity, ng mga young lovers, kahit halatang sila na ngang dalawa.

Baka nga naman kapag binigyan sila ng ibang kapareha, hindi na tangkilikin ng mga fans.

Ibang artista mas mahal ang career kesa karelasyon

Meron talagang mga artistang higit na mahal ang kanilang career sa kanilang mga nababalitang steady. Ang iba naman kasi, mahusay sumakay, basta’t tuloy ang trabaho at malakas na income!

Kahit sino naman sumusunod sa dictum na: Strike while the iron is hot!

Isang network lihim na lihim ang project sa 2014

Lihim na lihim ang isang colossal project ng malaking network for 2014. Kahit kapirasong hint, pigil silang magbigay. Basta’t all-star cast ito with unlimited budget at may mga eksenang kukunan abroad.

Kapag may lumabas na pertinent info sa press, tiyak insider ang nag-reveal. Baka magkaroon pa ng with hunt para tuntunin ang daldakina at biglang masisante sa trabaho!

 

vuukle comment

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

CHRISTMAS IN OUR HEARTS

JOSE MARI CHAN

KAHIT

KANILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with