^

Pang Movies

Angel dadaanin sa bakasyon sa Singapore ang malamig na Pasko

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Kahit sabihin pang malamig ang Pasko ni Angel Locsin, dahil loveless na siya, ay masaya pa rin ang magandang aktres dahil kapiling naman niya ang buong pamilya ngayong holiday season.

Aalis ngayong Lunes ng umaga ang buong pamilya para idaos ang Pasko sa Singapore at makapagbakas­yon na rin dahil sa sunud-sunod na trabaho ni Angel.

Tinatapos na kasi nito ang taping ng The Legal Wife under ABS-CBN. May gagawin pa rin itong pelikula katambal si Vhong Navarro.

Gladys babawi sa pamilya sa pasko

Kahit hindi nagdaraos ng Pasko si Gladys Reyes dahil sa kanyang relihiyon ay nagkakaroon naman sila ng bonding ng kanyang pamilya. Nagpupunta sila sa karatig na lalawigan para magkasama-sama ang buong pamilya.

Kabi-kabila rin ang commitment ng aktres kaya ngayon lang babawi sa kanyang pamilya. Kahit anong busy sa trabaho ay nagkaroon din ito ng panahon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Marian hindi totoong suplada

Napakasaya ng nakaraang Christmas party ng mga empleyado ng Pilipino Star NGAYON at PM (Pang-Masa) dahil katuwiran ni Boss Miguel Belmonte ay minsan lang itong ipinagdiriwang sa isang taon. Gusto niyang magkasama-sama ang mga executive, manunulat, at mga empleyado na masaya at nakapag-uwi pa ng kung anu-ano.

Nagkaroon din ng parlor games at pa-raffle ng prizes ang party, bukod pa sa tradisyonal na pamimigay ng grocery package. May presentation din ang iba’t ibang grupo at paligsahan sa paggawa ng mun­ting parol (gamit ang recycled objects) at nakakuha ng cash prize ang mga napili.

Tuluy-tuloy naman ang Damayan project ni Boss Miguel kahit hindi Pasko na tumutulong sa Kabisayaan.

Naging surprise guest sa gabi ng party si Marian Rivera at may mga nagkomento na ang bait-bait pala niya sa personal, taliwas sa intriga noon na siya ay suplada at mataray.

Maganda ang PR skills ni Marian kaya lalo pa siyang nagta­tagumpay. At kaya rin siguro stable ang kanyang career at love life.

Higit sa lahat, involved na rin ang aktres sa mga charitable project at ibinabahagi ang magaganda niyang blessings na natatanggap gaya ng Bayanihan Kapuso project at ang Kapuso Adopt-a-Bangka.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BAYANIHAN KAPUSO

BOSS MIGUEL

BOSS MIGUEL BELMONTE

GLADYS REYES

KABISAYAAN

KAHIT

KAPUSO ADOPT

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with