^

Pang Movies

Nikki, sarili na lang ang sinisisi sa sinapit kay Billy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

After so many months matapos ang kanilang breakup, ngayon pa nagkuwento si Nikki Gil kung gaano siya ka-disappointed sa naging relasyon nila ni Billy Crawford.    Umabot din pala ng limang taon ang kanilang naging relasyon at ngayon ay inaamin na niyang noon pa mang una, marami na ang nagbigay sa kanya ng war­ning na baka nga hindi sila magkasundo o ma-disappoint lang siya.

Wala naman siyang sinisisi kundi ang sarili lang din niya dahil hindi siya nakinig sa mga warning sa kanya.

Doon sa kanyang inilabas na statement, halata talagang nasaktan si Nikki sa mga nangyari. Sinasabi nga niya na sa palagay naman niya ay mabu­ting tao siya at wala namang dahilan para siya makarma pero tila iyon ang nangyari.

Inamin din naman niyang walang third party involved sa kanilang na­ging split. Pero hindi niya masabi talaga kung ano ang dahilan. Siguro nga hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa naging bilis ng mga pangyayari. Pero after five long years mabibigla ka pa ba naman sa mga pagbabago?

Siguro hindi naman tatagal nang gano’n kahaba ang isang relasyon kung hindi nila minahal ang isa’t isa. Kung may nangyari man, siguro nga nasa kanila na rin iyon.

Ang punto nga lang namin, bakit pagkata­pos ng ilang buwan at saka pa nagsalita si Nikki? Noon talagang hinahabol sila para ma­la­man ng mga tao kung ano ang totoo, hindi sila nagsalita. Lumamig na ang issue. Kaya nakakapagtaka, ano naman ang dahilan kung bakit ngayon lumabas pa iyan? Wala ba talagang maaaring mapag-usapan tungkol kay Nikki maliban sa katotohanang minsan ay naging girlfriend siya ni Billy?

Maliliit na manggagawa dapat makinabang sa kita ng MMFF

Magkano nga kaya ang matatanggap na tulong ng beneficiaries ng Metro Manila Film Festival sa taong ito? Para kasing nakakainis na sabihin mo pang manood ng mga pelikulang kasali dahil para iyon sa mga maliliit na manggagawa ng industriya ng pelikula kung gano’n naman palang hindi naibibigay nang tama sa beneficiaries ang dapat nilang matanggap.

Hindi naman magrereklamo ang mga tao sa industriya sa kanilang ginagawang ganyan kung hindi ang COA (Commission on Audit) mismo ang naglabas ng report na umaabot sa P159 million ang hindi naibigay ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) sa beneficiaries ng festival simula noong 2002 hanggang 2009.

Pero kami, ang hinihintay naming marinig ay sabihin ng presidente na hindi na siya kukuha ng bahagi ng kita ng taunang film festival at ibibigay na lang niya iyon sa mga maliliit na manggagawa ng industriya. Kung patuloy pa niyang babawasan ang kita ng MMFF para sa kanyang social fund, huwag na lang kaming magsalita. Mangangalumbaba na lang kami.

TV show ng mag-asawang nega binubuo na

Totoo ba iyong may gagawin daw TV show na ang title ay Nega si Mister, Nega si Misis? Palagay namin parang documentary type ’yan pero puwede rin namang comedy. Sabi nga ng henyong si Charlie Chaplin, “Ang buhay ay isang malaking comedy.”

Pero sino naman kayang artista ang lalabas diyan sa Nega si Mister, Nega si Misis kung sakali?

           

 

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

KUNG

NAMAN

NEGA

NIKKI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with