^

Pang Movies

Boots Anson-Roa, magiging June bride

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Kailangan lang pala na mauna ni Ms. Boots Anson-Roa sa kanyang pahayag na siya ay ikakasal na at, hayun, nagkasunud-sunod na ang mga artista na napapabalitang ikakasal sa susunod na taon. 

Naging magandang example nga ang beteranang aktres dahil open book ang kanyang love story at nakita naman kung paano nila inayos ang lahat ng kanyang abogadong fiance, na kapwa niya balo, bago nagtakda ng araw ng kasal sa June. Sana ganun din ang susunod na ibang showbiz couples lalo na sina Karylle at Yael Yuzon ng Spongecola na hindi naman vocal sa kanilang relasyon kumpara kina Iya Villania at Drew Arellano.

Kelan naman kaya ang kasal ni Miriam Quiambao na pinaka-unang bumulaga sa kanyang engagement sa isang book author at speaker? Wala rin silang date na ibinigay.

Pero balik kay Ms. Boots na magiging June bride, mukhang tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging private citizen dahil tiyak na ang bagong mapapangasawa na ang kanyang aasikasuhin. Ang ibig sabihin kaya ay tuluyan na niyang ilalaglag ang “Roa” sa kanyang apelyido? Nakilala siya sa showbiz dala ang buong pangalan dahil isa na siyang misis noon nang sumikat. 

Mga commercial mas effective na maikling sine

Panalo na naman ang mga bagong TV commercial na nagtatago sa tinatawag na Christmas short films ng GMA. Muli, ito ay nagpapakita ng iba’t ibang drama ng buhay gamit ang mga produktong nakapag-commit na sa istasyon umpisa noon pa.

Maganda ‘yung kasunod na kuwento ng Hating Kapatid ni Perla Bautista na nag-binata na ‘yung dalawang bata. Ngayon ay Kahati ng Kahapon na ang pamagat at naka-sentro na sa isang binatang nagdo-doktor ang istorya. At ‘yung kay Benjamin Alves bilang scholar ng isang sikat na pawnshop na ga-graduate na. Iskolar ang pamagat ng natoka sa kanyang short film.

Ang mga partner na kumpanya ng GMA sa kanilang Christmas short films ay ang Cebuana Lhuillier, Smart HelLow, So Lucky Soda Crackers, at KFC.

Positibo ang mga istorya na sumasalamin sa hirap at tagumpay at sa pagpapakita ng kabutihang loob. ‘Ika nga ay taglay ng short films ang good moral values ng mga Pinoy. Ang sarap tuloy panoorin dahil hindi komersiyal na komersiyal ang pinapanood kundi maiksing sine nga. At eksakto sa diwa ng Pasko.

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

CEBUANA LHUILLIER

DREW ARELLANO

HATING KAPATID

IYA VILLANIA

KANYANG

MIRIAM QUIAMBAO

MS. BOOTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with