^

Pang Movies

Suking beauty contestant pinangakuan na ng panalo

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maaga ang training ng isang perennial beauty contestant. Hindi pa tapos ang contest season, matiyaga na siyang nagpapa-slim sa gym at pini-perfect ang lakad niya sa pagrampa sa iba’t ibang parte ng competition.

Ang bulong kasi ng kanyang handler, very sure na siya sa isang title next year. Sa wakas, mapapadala na siya sa isang worldwide pageant!

Sa lahat naman kasi ng sumasali, sinisiguradong winner para higit na magsipag. Pero iba ang paniniyak sa tinutukoy namin na handang-handa nang lumaban sa ibang bansa.

Nikki Gil nag-sorry pala kay Anderson sa inasal ni Korina

Noon palang kainitan ng hidwaan nina Anderson Cooper ng CNN at ni Korina Sanchez ng ABS-CBN, nag-tweet si Nikki Gil at humingi ng pasensiya sa American broadcaster, na alam nating isang billionaire at anak ng bilyonaryang si Gloria Vanderbilt.

Ibig sabihin, higit na kinampihan ni Nikki si Cooper. Well, mahirap talaga sa isang broadcaster kung misis ng isang high government official. Tiyak na mananaig ang puso at may papanigan.

Mga taga-Leyte panonoorin si Pacman, nilagyan ng generator

Nangako si Rep. Manny Pacquiao na dadalaw at tutulong sa mga biktima ng bagyo sa Kabisayaan, after his fight with Brandon Rios in Macau.

Humiling pa si Pacman na sana mapanood din ng mga typhoon victim ang kanyang laban sa Linggo kaya tiniyak ang paglalagay ng mga generator upang maikabit ang mga TV set.

Pinaghahandaan ni Rep. Pacquiao ang kanyang boxing match with Rios kaya’t after Sunday, lahat ng kanyang panahon, inilalaan niya sa pagtulong sa mga Yolanda victim.

TV networks takot nang makatrabaho si Willie Revillame

Isang TV insider ang nagbulong sa amin na walang natatanggap na offer si Willie Revillame hanggang ngayon.

Siyempre mataas ang pride ng bilyonaryo, who is undoubtedly the richest Pinoy entertainer, kaya hindi niya magawa ang mag-apply kahit saang network. Of course, he prefers to receive an offer first.

Takot na nga kaya ang lahat ng major networks, pati TV5?

Anna Dizon babalik sa music scene, originals handang-handa na

Balik-music scene ang legendary na si Anna Dizon, after mahigit two years na nag-manage ng kanyang resort sa Mindoro at iba pang negosyo sa South Korea.

Kinukumpleto ang mga kanta sa kanyang forthcoming album. Gusto ng rich singer, puro original compositions. Malamang maisali na ang isang original song na naisulat ni Anna nang humiwalay sa kanyang handsome boyfriend. Hindi pala totoo ang balitang nagpakasal siya sa isang mayamang Koreano, kaya siya nagtago.

Ang sabi nga sa showbiz: Anna Dizon is Anna Dizon?!

Regine nadadagdagan ang timbang dahil sa cooking show

Baka tuluy-tuloy na madagdagan ang timbang ni Regine Velasquez sa pagho-host ng cooking show, Sarap Diva.

Ewan kung madali niyang maabutan ang timbang ni Mega, Sharon Cuneta?

 

vuukle comment

ANDERSON COOPER

ANNA DIZON

BRANDON RIOS

GLORIA VANDERBILT

ISANG

KANYANG

NIKKI GIL

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with