^

Pang Movies

Mga naipundar ng dating child actor nasaid sa nanay na sugarol at may bf na mas bata

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kawawa naman pala ang dating child actor na ito. Balitang ang pinaghirapan at pinag-ipunan niyang bahay mula sa kanyang pagpupuyat ay naibenta na raw ng kanyang ina na nalululong ngayon sa sugal at lalake.

From a very reliable source, nakikitira na lang daw ngayon ang dating child actor at ang kanyang mga kapatid sa isang tiyahin na kapatid ng kanyang ina.

Wala na nga raw ang bahay na naipundar ng dating child actor dahil pinangbayad na raw ito sa maraming utang ng kanyang ina.

Ang nakakahiya pa raw ay kung kani-kanino raw ito umuutang para lang makapagsugal at maibigay sa kanyang kinakasamang lalake.

“Hindi kasama ng dating child actor ang kanyang ina dahil nilayo niya talaga ang mga kapatid niya rito. Mabuti na lang at may mabait itong kamag-anak na kumupkop sa kanila. Ang ina raw ay kasama ang bagets nitong boyfriend at sa isang apartment sila nakatira.

“Nalaman ng dating child actor na maraming kinauutangan ang kanyang ina mula sa mga nanay ng mga kasamahan niya sa show na kinabibilangan niya.

“Ngayon siya na ang sinisingil ng mga ito. Nagulat na lang si dating child actor dahil wala siyang alam tungkol sa mga utang ng kanyang ina,” kuwento pa ng aming source.

Noon pa raw sinasabihan na ni dating child actor ang kanyang ina na tigilan na ang kanyang bisyo sa pagsusugal. Ito ay noong kasagsagan ng pagiging in-demand niya na child actor.

Tanggap na niya na may bagets na boyfriend ito pero ang samahan pa ng bisyo na pagsusugal ay sobra-sobra na raw.

Nangako ang ina na titigil na siya pero pagkatapos ng isang buwan ay bumalik ito sa dating bisyo at mas malala pa raw ang nangyari. Dumating na sa puntong kailangang ibenta na nila ang bahay dahil sa patung-patong na utang.

Ngayon ay gustong magsimula ulit ng dating child actor dahil alam niyang wala na siyang maaasahan sa kanyang ina na nahuhumaling sa bagets na boyfriend at sa pagsusugal.

Panay ang pakiusap nito na mabigyan siya ng regular na trabaho dahil iyon ang ikabubuhay nila ng kanyang mga kapatid at pagtulong na rin niya sa tiyahin na kumupkop sa kanila.

FronTman ng Maroon 5 at coach ng The Voice napiling Sexiest Man Alive sa 2013

Ang The Voice coach at frontman ng Maroon 5 na si Adam Levine ang napili ng People’s magazine bilang Sexiest Man Alive for 2013.

Sinorpresa si Adam sa isang episode ng The Voice na officially ay siya ang magiging cover ng Sexiest Man Alive issue ng People’s.

Natuwa si Adam dahil ka-level na niya sa pagiging Sexiest Man ang kanyang mga kaibigan na sila Channing Tatum, Bradley Cooper, at George Clooney.

Ang host ng The Voice na si Carson Daly ang nagtaas ng magazine at pinakita kay Adam, hindi pa ito naniwala noong una at inakala niya na niloloko lang siya ng staff ng show.

“I said, ‘Carson, you just had that made. That’s not real!’ But it was real and I was shocked!” sey pa niya.

Sa tanong kung ano ang sikreto ni Adam sa kanyang pagiging sexy, sinabi niya na regular siyang nagyo-yoga at nagsi-spinning.

“And I love to be naked!” natatawang dagdag pa niya.

May balitang baka malapit na siyang mag-settle down with his supermodel and Victoria’s Secret fiancée Behati Prinsloo.

Bago mapagdesisyunan na si Adam Levine ang magiging cover boy, marami siyang nakalaban para sa Sexiest Man Alive title. Kabilang na rito sina Justin Timberlake, Liam Payne, Chris Hemsworth, at ang kanyang The Voice co-mentor and coach na si Blake Shelton.

vuukle comment

ACTOR

ADAM LEVINE

CHILD

DATING

INA

KANYANG

NIYA

RAW

SEXIEST MAN ALIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with