^

Pang Movies

Concert ng SB19, jampacked

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Concert ng SB19, jampacked
SB19
STAR/File

Nakakatuwa naman na jampacked ang concert ng SB19 the other night sa Araneta Coliseum.

Imagine, Pinoy group ito at hindi Korean group.

Marami pang gustong bumiling walk-ins sa Araneta Coliseum kahapon pero wala na raw maibigay na ticket.

For a change.

Super sold out din ang five nights concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Ganundin ang concert ni Ice Seguerra.

Sana naman ay ganito rin ang mangyari sa local movies, ang kumita at pilahan ang local movies.

Pagbabalik nina Alden at Kathryn, makasaysayan!

Sa isa na namang makasaysayang kolaborasyon, magsasama sa unang pagkakataon ang Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures para sa Hello, Love, Again, ang pinaka-inaabangang sequel ng blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye.

Muling gagampanan ng ABS-CBN star na si Kathryn Bernardo at GMA artist na si Alden Richards ang minahal na karakter nina Joy at Ethan sa Hello, Love, Again.

Nagbabalik din ang box office hit film director na si Cathy Garcia-Sampana upang pangunahan ang bagong pelikula na kukunan naman ngayon sa Canada.

Magsisimulang ipalabas ang pelikula sa Pilipinas sa Nobyembre 13, 2024 at susundan ito ng international releases.

Naganap ang film announcement noong Linggo (Mayo 19) kasama ang mga opisyal ng ABS-CBN at GMA. Kabilang dito sina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes, ABS-CBN Film Productions head Kriz Gazmen, at GMA Films president at CEO Atty. Annette Gozon-Valdes.

vuukle comment

SB19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with