^

Pang Movies

Lolit, ‘di nagsisi sa Manila FilmFest scam

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lolit, �di nagsisi sa Manila FilmFest scam
Lolit Solis
STAR/File

Bongga at sobrang saya ng 77th birthday lunch celebration ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis na ginanap kahapon sa Oriental Palace Seafood Restaurant sa Tomas Morato, QC.

Star-studded ang nasabing lunch party na handog ng mag-asawang Sen. Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado dahil sa pagdalo ng karamihan sa mga alagang artista ng celebrant.

Dumalo sina Paolo Contis, Tirso Cruz III with wife Lynn Ynchausti, Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, mag-asawang Tonton Gutierrez and Glydel Mercado, Pauleen Luna kasama ang bunsong anak nila ni Vic Sotto na si Thia, Amy Austria, Councilor Alfred Vargas with brother Cong. PM Vargas, Nanette Medved, Benjie Paras, among others.

Present din sina Sen. Jinggoy Estrada, Boy Abunda, Ali Sotto, GMA bosses na sina Redgie Acuna-Magno, Lilibeth Rasonable, TV5 boss na si Wilma Galvante, Malou Choa-Fagar, Pat-P Daza, ang mga rich businesswoman na sina Ms. Alice Eduarto at Rei-Anicoche Tan, at ang malalapit na kaibigan ni Nay Lolit sa showbiz.

Naroroon din ang buong staff ng mga dating kasamahan ng celebrant sa StarTalk kabilang na sina Butch Francisco at Kuya Boy.

Sayang at hindi nakarating si Sen. Bong na kasalukuyang nagpapagaling pa sa kanyang Achilles tendon surgery pero naroroon naman ang misis niyang si Lani at kapatid na si Rowena Bautista.

Ang saya-saya ng party at panay ang kantyaw ng mga bisita sa celebrant dahil sa panay dating ng gifts in cash and in kind.

Nagbigay rin ng mga nakakaaliw na pa-tribute ang kanyang mga alaga. ‘Katuwa ang speech ni Paolo na sa kagustuhan daw niyang mai-manage ni Nay Lolit ay binili niya ang kanyang kontrata sa dating manager at simula raw nu’n ay nagkagulo-gulo na ang buhay niya.

Pero lahat ng mga naroroong alaga ni Nay Lolit ay nagpatunay na kahit naki­lalang harbatera ang kanilang manager, mabuti raw ang puso nito, mapagbigay, matulungin at napaka-loyal na kaibigan.

Ang ganda rin ng Fast Talk segment ni Nay Lolit with Kuya Boy kung saan ay natanong ang veteran columnist/talent manager tungkol sa kanyang love life at iba pang kontrobersiya sa kanyang buhay.

Ayon kay Nay Lolit, biggest mistake raw na nagawa niya ay ang Manila Film Festival scam noong 1994. Pero hindi niya raw ito pinagsisihan.

“Siguro, if I will live my life again, gagawin ko ulit ‘yung scam,” aniya.

Dito raw niya kasi napatunayan ang pagmamahal sa kanya ng mga taga-showbiz partikular na ang kanyang mga alaga na lahat ay ipinagtanggol siya.

“Lahat ng alaga ko, ipinagtanggol ako. Lahat ng mga pinakitaan kong mabuti sa mga reporters, showbiz writers, ipinagtanggol ako. Kaya I did not feel alone that time,” she said.

Pinakamalaking blessing daw niya sa buhay ay nang mapunta siya sa showbiz dahil dito guminhawa ang kanyang buhay, nagkaroon ng kotse at sariling bahay, at nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo.

Labis naman ang pasasalamat ng celebrant sa lahat ng dumalo. Akala raw niya ay marami ang hindi makakarating since tanghali ito at Sunday pa. Kaya naman sobrang nag-melt daw ang kanyang heart sa mga naglaan ng oras para makarating sa kanyang kaarawan.

Maligayang kaarawan, Nay Lolit!

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with