^

Pang Movies

Male celebrity nagtampo sa kaibigang negosyante nang hindi matulungan sa mga request na artista

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtampo pala ang isang sikat na male celebrity sa kaibigang businessman na may koneksiyon din sa showbiz.

Nagpatulong daw ang male celeb sa kaibigan upang mag-imbita ng artista para sa isang event niya. Pero naunsyami ang celeb nang hindi man lang siya tinulungan ng kaibigan gayong may power naman siya upang kumuha ng mga artistang hiniling.

So, ngayon, wala munang usap-usap ang dalawa. Kanya-kanya muna sila ng kayod lalo na nga jobless ngayon ang male celeb kahit marami siyang pera!

Eat Bulaga hindi pa lalayasan ang Broadway Centrum

Hindi muna pala matutuloy ang paglipat ng Eat Bulaga sa ibang studio next month. Balita kasing gagawing mall ng may-ari ng Broadway Centrum ang studios na ginagamit ng Bulaga at TV5. Nitong December ang taning na ibinigay sa lessees ng studios.

Sa Marikina ang balak ng TAPE, Inc., producer ng EB, na ilipat ang studio. Habang sa TV5 naman ay meron ng studio sa Mandaluyong City.

Pero sa latest information na aming nakuha, sa 2015 na raw gigibain ang Broadway Centrum kung hindi magbabago ang plano ng may-ari.

Ogie sinakop na lahat ng TV5 shows

Pilit na pilit naman ang pagpapatawa sa gag show ng TV5 na pinagungunahan nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Wendell Ramos, at Empoy. Limitado ang mga gag at pati pagbuhay sa sumikat na spoof ng game show na Battle of the Brains, ang Battle of the Brainless, corny ang mga tanong at sagot!

Ang daming unknown na nasa show pero wala namang masyadong partisipasyon. Ang gulu-gulo pa ng segment kung saan inilalabas ang jokes na galing sa tweets ng mga manonood.

Eh kumpara sa mga ongoing show ngayon, gaya ng Bubble Gang at Banana Split, maging creative naman sana ang nasa likod ng TV5 gag show kung gusto nilang panoorin ito ng tao.

‘Di hamak na mas masaya pa ang unang episode ng Killer Karaoke ni Michael V. kahit kopya sa original concept ang challenges na ibinibigay sa contestants. ’Kaloka lang ’yung after ng gag show na bida si Ogie, hayun at sa kasunod na show ay isa rin si Ogie sa special guests!

Wala na bang ibang puwedeng i-guest?

 

vuukle comment

BANANA SPLIT

BATTLE OF THE BRAINLESS

BATTLE OF THE BRAINS

BROADWAY CENTRUM

BUBBLE GANG

EAT BULAGA

KILLER KARAOKE

MANDALUYONG CITY

MICHAEL V

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with