^

Pang Movies

Joyce at Kristoffer wala na rin!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na itinanggi ng Kapuso teen star na si Joyce Ching na totoong nagkakalabuan na sila ng boyfriend na si Kristoffer Martin. Ayaw daw niyang magsinungaling kaya sinabi niya ang totoong status ng relationship nila ngayon. Dinalaw namin ang set ng seryeng Dormitoryo sa Tagaytay at doon namin siya nahingan ng pahayag ukol sa nasabing issue.

“Basta po magulo po kami ngayon. Magulo po. May mga hindi pinagkakaintindihan,” bungad ni Joyce sa amin nang kumpirmahin namin kung totoong nagkakalabuan na nga sila ni Kristoffer.

Personal daw ang dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan at wala naman daw third party involved. Almost two years and eight months na silang magkarelasyon kaya marami ang nanghihinayang kung sa hiwalayan na nga sila hahantong.

Nilinaw ni Joyce na walang kinalaman si Julie Anne San Jose sa pagkakalabuan nila ng boyfriend. Balitang pinagseselosan kasi niya ang singer-actress. Ang dalawa kasi ngayon ang magka-love team sa GMA drama series na Kahit Nasaan Ka Man.

Sinubukan ba nilang ayusin kung anuman ang gulo nila?

“Tina-try naman po pero ayaw din naming pilitin ’yung mga bagay-bagay kasi baka mas lalo pang lumala,” sagot ng teen star.

Wala na bang chance na magkaayos sila?

“Hindi ko po alam. Ayoko rin pong magsalita ng tapos kasi baka mamaya kainin ko lang,” saad ni Joyce sa aming chikahan. 

               

 

vuukle comment

AYAW

AYOKO

BALITANG

DINALAW

JOYCE CHING

JULIE ANNE SAN JOSE

KAHIT NASAAN KA MAN

KRISTOFFER MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with