^

Pang Movies

Mayamang beki walang napala sa aktor kahit pa binigyan ng kotse at kung anu-ano pang mamahaling regalo

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maraming expensive gifts mula sa donyang beki ang tinanggap ng isang macho actor, kasama na ang  isang brand new car. Kaya lang hindi man lang pala natikman nang nag­lalaway na bading ang inasam-asam.

Give up na siya, kaya’t lumipat sa isang ma­tipunong aktor, na handa rin gastusan ng baklesh. Mas malaki ang problema ng ateng ngayon. My phobia sa mga kafatid ang type niya!

Iha pigilan muna ang sarili, bago isalin ang titulo ng house and lot sa menchu. Kailangan naka-isang round ka man lang muna sa kama, bago ihatag ang title na napirmahan mo na at notarized na ng iyong lawyer. Baka maisahan ka na naman, na wala man lang ligayang napala!

Sa isang posh property sa exclusive subdivision, tiyak na maglalaho ang takot ng macho sa bading!

Cesar dalawang beses nadurog ang puso

Nadurog muli ang puso ni Cesar Montano sa sinapit na trahedya ng kanyang mga kababayan sa Bohol, dahil sa 7.2 intensity earthquake. Nawasak na rin kailan lang ang puso ng aktor dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Sunshine Cruz.

Sana makalikom sila ng sapat na halaga ni Noel Cabangon sa fund-raising concert sa  Teatrino on Oct. 25. Kahit hindi kayo manood, maaring magpadala ng tulong.

Direk Brillante pambenta sa Sapi

Noong panahon ng mga National Artists for Films na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal, malaman lang na sila ang nagdirek ng pelikula, alam agad na isa itong magandang panoorin.

Sumunod sina Peque Gallaga, Maryo J. Delos Reyes, at Joel Lamangan sa mga director na sapat na atraksyon sa kanilang mga pelikula.

Ngayon, hindi na natin tinatanong kung sino ang mga bida, kapag gawa ni Brillante Mendoza ang isang bagong pelikula, tulad ng Sapi.

Kahit alam natin na sina Meryl Soriano, Ruby Ruiz, Dennis Trillo, Ba­ron Geisler, at Mercedes Cabral ang gumaganap ng important roles sa Sapi, ang biggest come-on pa rin, ang multi-awarded filmmaker. Katatapos lang ang exhibition ng Sapi sa Hawaii International Film Festival, kung saan nagkaroon ng retrospective showing ang mga obra ni Mendoza.

Kinumbida rin ang Sapi sa iba’t ibang fantastic and horror filmfest worldwide.

May mainstream playdate ang Sapi, through Solar Films, kaya mapapanood natin ito, starting Nov. 6.

Ang sabi ng mga nakapanood na sa Sapi, ma­nanatili ang sindak sa mga isip natin, kahit mara­ming araw nang nakita ang pelikula.

Tungkol sa magkaribal na TV network ang istorya ng pelikula, na gagawin ang lahat, upang ma­kaungos sa ratings. Ang isang TV station, nagpasya na mag-TV coverage sa isang actual case of possession and exorcism. The horrifying scenes, nagsimula doon.

Roderick pinagdududahan ang pagbalik sa Kapamilya

Bumalik si Roderick Paulate sa ABS-CBN, matapos ligirin ang  GMA at TV5. Ngayon pa lang maraming mga assignments ang inihahanda para sa kanya ng Kapamilya network.

Duda naman ang iba kung higit siyang magiging maligaya after maging Kapuso at Kapatid.

Malay naman natin kung mabigyan siya ng sitcom na Ang Nanay ni Petrang Kabayo o Sina Roda at Maria with the Magic Bilao?

Joey de Leon pinag-iinitan ang dyowa ni ka Freddie?!

Masayang-masaya si Joey de Leon sa May-De­cember affair nina Ka Freddie Aguillar at ang 16-year old girl. Dinig sa tatlong network ang pagsigaw niya ng ‘‘Mabuhay Ka, Ka Freddie!’’

Well, wala naman tayong alam na nagkaroon ng romansa si De Leon sa isang chick na menor-de-edad. Wishing lang daw, o!

Happy ang family life ni Joey De Leon with his wife and children.

vuukle comment

ANG NANAY

BRILLANTE MENDOZA

CESAR MONTANO

ISANG

LANG

SAPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with