^

Pang Movies

Martin kontrolado ang bibig ’pag GF ang pinag-uusapan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Inusisa na naman kahapon si Martin Nievera tungkol sa kanyang love life. Walang napala ang mga nagtanong dahil diretso ang sagot ni Martin na hinding-hindi ito magkukuwento tungkol sa kanyang love life at sex life.

Madaldal si Martin pero may preno ang kanyang bibig kapag ang personal na buhay ang topic. Walang mag-iisip na very private si Martin kapag love life ang pag-uusapan dahil sa kanyang talkative i­mage. Talkative raw o!

Isa lang ang masasabi ko, type na type ko ang honesty ni Martin. Sinasabi niya na may girlfriend siya pero no mention ng name ng girl na walang ki­na­laman sa showbiz. May mga naka-sight sa mystery girl sa concert ni Martin sa Smart Araneta Coliseum noong Sept. 13. Tiyak na panonoorin ng girl ang repeat sa Nov. 22 ng anniversary show ng kanyang Concert King boyfriend.

Mareng Winnie na-stroke, hindi muna mapapanood

Naglabas kahapon ng official statement ang GMA Network, Inc. tungkol sa mild stroke na nangyari kay Mareng Winnie Monsod habang ini­interbyu niya ang isang bisita sa Unang Hirit noong Huwebes. Ito ang statement ng Kapuso management:

“Mga Kapuso, pansamantala muna nating hindi makakasama si Professor Solita (Winnie) Monsod sa Unang Hirit.

“Gayunman, patuloy pa rin siyang mapapanood sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie tuwing Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

“Nagka-mild stroke po si Mareng Winnie ka­ha­pon ng umaga (Huwebes, Oktubre 3) pero maayos na po ang kanyang kalagayan.

“Pinayuhan siya ng mga doktor na magpahinga at huwag munang tumanggap ng bisita, tawag sa telepono, o text. Nagpapasalamat po si

Mareng Winnie sa inyong pag-aalala at pagdarasal para sa kanya.”

Game show co-host na si Cindy Miranda luhaan sa Miss Tourism queen int’l

Luz Valdez sa isang international beauty pageant ang pambato ng Pilipinas na si Cindy Miranda.

Si Cindy ang dating co-host ng game show ni Willie Revillame. Nag-resign siya sa show dahil nanaig ang kanyang pangarap na maging beauty queen.

Nag-win naman si Cindy ng beauty title sa Bb. Pilipinas. Siya ang hinirang na Bb. Pilipinas-Tourism. Lumaban si Cindy sa Miss Tourism Queen International sa China noong Huwebes at sa kasamaang-palad, luhaan siya. Pakunsuwelo na lang na nakabilang siya sa sampung semi-finalists.

Hindi na puwedeng bumalik si Cindy sa game show ni Willie dahil magpapaalam na rin ito sa ere sa susunod na Linggo. Maganda at seksi si Cindy. Puwedeng ipagpatuloy niya ang pag-aartista kapag natapos ang kanyang reign bilang Bb. Pilipinas-Tourism.

‘Isang insidente na hindi ko malilimutan’

May mga alaala na nagbalik sa isip ko nang magpunta ako kahapon sa big event ng Ultra Mega na hindi ko puwedeng isnabin o kalimutan dahil magtatampo ang aking friend na si Mang Erning Lim.

Ginanap sa isang lugar sa Pasay City ang anniversary celebration ng Ultra Mega, hindi na sa five-star hotel na naging kontrobersiyal dahil sa isang insidente na hindi ko na sasabihin.

Naalaala ko tuloy ang naging advice sa akin noon ng isang aktres na close sa akin. Hindi ko na ikukuwento ang mga sinabi niya dahil may mga ma­dadamay. Tama na ’yung alam ko na ang buong katotohanan na nakumpirma dahil sa karanasan ng isang sikat na showbiz personality.

vuukle comment

CINDY

CINDY MIRANDA

DAHIL

HUWEBES

KANYANG

MARENG WINNIE

ULTRA MEGA

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with