^

Pang Movies

BF ng actress na parating nakabantay kuntento sa isang sulok, hindi umeepal

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Matiyaga rin ang isang baguhang model-actor sa pagbabantay sa kanyang girlfriend-actress habang nagtatrabaho siya. Nasa isang sulok lang ang lalaki at hindi nakikihalubilo sa mga taong nasa paligid.

Ang aktres pa ang siyang pumupunta sa kinaroroonan ng boyfriend kapag break sa trabaho. Pero simple lang ang kanilang chikahan at walang lambingang nangyayari. Hindi sila kagaya ng ibang couple na kahit maraming tao ay nagagawang maglandian.

Between the two, mas busy ang aktres sa boyfriend. Still, hindi dahilan iyon upang mabawasan ang kanilang pagmamahalan.

Sid nahihirapang maging tatay

Tatay na si Sid Lucero. Hindi pa lang niya nararamdaman ngayon ang kakulitan ng bata dahil nga ilang buwan pa lang siya. Naghahati sila ng pag-aalaga ng anak ng asawa niyang miyembro ng banda.

“Basically it’s a wake-up call din. The life has changed but not it’s really about the baby. Mas nakakataba nga ’yung presence niya eh. Kain-tulog lang ako. ’Pag tulog siya, ikaw din, ’di ba? Hahaha!” say ni Sid na nasa cast ng Magkano ang Pag-ibig? ng GMA.

Kumusta naman ang feeling ng isang tatay?

“Of course it’s happy. But that is not all eh. May ugly side rin siya. Like the lack of sleep, balan­cing, taking care of the baby, plus going to work now. Iba eh.

“Hindi mo sasadyain. Having a baby is like working towards another life. Like I wake up early in the morning na. Hindi ’yung three o’ clock, tulog. Hahaha! O three o’ clock, gising!” kuwento pa ng aktor.

Pagdating sa pagtanggap ng ibang trabaho, hinay-hinay muna ang aktor.

“I feel like I am walking on egg shell. I’d like to concentrate muna. Huwag sabay-sabay kasi sa totoo lang, ’yung pile up ng trabaho, baka hindi ko kayanin eh. Kahit sino naman bibigay.

“And also, mabilis lumaki ang bata. Gusto ko namang ma-experience ’yon, like today nga, hindi ko pa siya nakikita since I got home this morning,” saad pa ni Sid bilang ama.

Mitoy at Radha pasasakitin ang ulo ng bayan

Pinagharap ang dalawang beterano sa pagkanta ngayong gabi sa katauhan nina Mitoy Yonting at Radha Cuadrado ng Team Lea ngayong gabi sa The Voice of the Phi­lippines. Sasakit tiyak ang ulo ni Lea pati na ang bayan kahit na nga lamang na lamang si Mitoy sa text votes sa nakaraang labanan.

Last two weekends na kasi ang singing search na franchise ng ABS-CBN at sa Sept. 29 na magaganap ang super bakbakan to the max!

Of course, sinuman ang panalo kina Mitoy at Radha, huwag ipagwalang-bahala ng isa sa sa kanila ang team nina apl.de. ap na sina Mighty Tor at Janice Javier, ng Team Bamboo na sina Paolo Onesa at Myk Perez, at ng Team Sarah Geronimo na sina Morisette Amon at Klarisse de Guzman.

                                                       

vuukle comment

HAHAHA

JANICE JAVIER

LIKE I

MIGHTY TOR

MITOY

MITOY YONTING

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with