^

Pang Movies

Ervic gagastos pa-Russia kahit hindi pa sigurado sa ‘Miss Universe’

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sad ang atmosphere sa last taping day ng Binoy Henyo nang bisitahin namin last Sunday sa Bago Bantay Ele­mentary School in Quezon City. Kahit daw kasi nine weeks lamang sila mapapanood, maraming moral values silang naibigay sa viewers at naging magaan at masaya ang taping nila dahil sa dalawang makulit na bagets sa soap, sina Binoy (David Remo) at Lenlen (Angel Satsumi).

Si Sheena Halili, parang tunay na anak na ang turing niya kay David kaya sa mga dramatic scene nila bilang mag-ina ay bumibigay siya. May isa pang eksenang dapat abangan sa kanilang mag-ina sa pagtatapos nila sa Biyernes.

Samantala, mahilig pala sa bata si Ervic Vijandre kaya parang naging little sister na niya talaga si Angel kaya madalas niyang ilibre ng paboritong fried chicken. In return, si Angel din ay parang kuya na niya talaga ang aktor dahil nag-iisa lamang siyang anak ng Japanese father at Filipina mother.

Nakakatuwa ang bagets na ma­ru­nong magsalita ng Japanese, Ta­ga­log, at Kapampangan dahil taga-Pampanga ang mommy niya. Kuwento nga ng ma­nager niyang si Joe Barrameda, nag-guest ka­hapon sa taping ng Bubble Gang si Angel at kasama ang Japanese actor na si Jacky Woo at nagsasagutan sila in Japanese.

Nagkatawanan lamang nang ka­gel at tinanong kung sino ang favorite actress nito, sagot ng bagets, si Marian Rivera raw, sabay tingin kay Ervic, at favorite actor naman niya si Dingdong Dantes. Napangiti na lamang si Ervic na natuwa ring tapos na ang taping nila dahil naghahanda pala siya para sumunod sa nililigawang si Bb. Pilipinas Universe Ariela Arrida sa Miss Universe pageant sa Russia sa October dahil sa Nov. 9 ang coronation night. Sariling gastos niya iyon at may kasama siyang friend na gusto ring mamasyal sa Europe kaya two weeks din sila roon.

Paano kung manalo si Arie­la at hindi na siya pansinin nito? Na kay Ariela na raw iyon at naniniwala siyang kung para sa kanya ang beauty queen ay magiging sila. Ginawa raw niya ang best niya sa five months na panliligaw niya at wala siyang regret kung sa iba mabaling ang tingin ng babae. 

Alam niyang susunod din ang family ni Ariela sa Russia dahil hindi ito masasamahan ng manager nitong si Jonas Gaffud. Totoo bang bawal ang gay sa Russia?

Luis itinanggi ang asawa’t anak

Nilinaw na ni Luis Alandy ang intrigang may asawa at anak na siya. Siguro ang sinasabing anak niya ay iyong nephew na lagi niyang kasama. Anak daw iyon ng brother niya na siya na lamang nandito sa Pilipinas. Malapit daw siya sa bata kaya nga nag-enjoy siya sa pagganap niya as the father of David Remo sa Binoy Henyo.

Kay Luis nanggaling na happy ending ang kanilang soap na matatapos na sa Friday, Sept. 20, bago ang 24 Oras. Sila pa rin ni Agnes (Sheena Halili) sa ending.         

vuukle comment

ANGEL SATSUMI

ARIELA

BAGO BANTAY ELE

BINOY HENYO

BUBBLE GANG

DAVID REMO

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with