^

Pang Movies

Big mouth ni Martin tiklop sa bagong dyowa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pupusta ako na present sa anniversary concert ni Martin Nievera ang kanyang mystery girlfriend.

May mga naka-sight sa girl na low-profile pero palaging tinitingnan ni Martin kesehodang busy ito sa pagkanta sa concert niya na ginanap noong Friday The 13th sa Smart Araneta Coliseum.

Sure na sure ako na may girlfriend ang Concert King. Hindi siya loveless. Nang magkita kami ni Martin noong isang linggo, inamin naman niya na may karelasyon siya. Madaldal si Martin pero hindi nito napapakinabangan ang kanyang big mouth kapag ang identity ng mystery dyowa niya ang topic.

May nagkuwento sa akin kahapon tungkol sa plano na magkaroon ng repeat ang anniversary concert ni Martin. Malalaman natin ang complete details sa mga susunod na araw.

Anne tanggap na tanggap sa sintunadong boses

Special guests ni Martin sa kanyang 3D concert sina Bamboo, Aiza Seguerra, Anne Curtis, Regine Velasquez, at ang anak na si Robin.

Ang sey ng aking spy, tinilian ng husto si Bamboo nang umapir ito sa stage at bigay na bigay sa pagkanta si Anne. Tanggap na ng mga tao ang sintunadong boses ni Anne kaya hindi bayolente ang reaksiyon nila sa duet ng dalaga at ni Martin.

Matutuwa si Anne kapag nalaman nito na paboritung-paborito siya ni Martin. Bukambibig ni Martin si Anne sa aming kuwentuhan dahil napakabait at walang ere ang sikat na aktres. Natural at hindi peke ang kabaitan ni Anne kaya good karma siya, pati ang kanyang career.

Actress maldita sa tunay na buhay

Very pleasant ang personality ng isang actress kaya nakakagulat ang balita na maldita siya sa tunay na buhay kaya natsugi sa sariling programa.

Imposibleng hindi na-hurt ang actress dahil close friend nito ang mga ipinalit sa show na associated sa kanya at siya pa ang nagpasikat.

Ang pagkatsugi ng aktres sa sariling TV show at pagkuha sa kanyang friend bilang kapalit ang proof na ang production staff ang kinampihan ng television management sa away nila.

Sayang na sayang ang malaking oportunidad na pinakawalan ng aktres. Datung na, naging bato pa. Malaking aral sa kanya ang nangyari kung magtatanda na siya at babaguhin ang ugali.

Jen Rosendahl nag-postponeng kasal dahil sa amang may prostate cancer at nasa ICU

Prostate cancer ang sakit ng German father ng sexy star na si Jen Rosendahl. Naka-confine ang tatay ni Jen sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital kaya problematic siya.

Kahapon sana ang kasal ng dating Viva Hot Babe at ng kanyang fiancé. Ayaw ni Jen na ituloy ang kasal habang nasa ospital ang kanyang ama. Gusto ni Jen na ma-witness ng tatay niya ang isang importanteng okas­yon sa kanyang buhay.

Nakaka-proud ang mga anak na katulad niya dahil sa willingness niya na i-sacrifice muna ang sariling kaliga­yahan alang-alang sa kalagayan ng isang mahal sa buhay.

Dingdong hindi mapakali nang pumunta sa Manila Polo Club

Sa Manila Polo Club sa Makati City lang naman ang venue ng contract-signing affair kahapon ni Dingdong Dantes at ng mga bossing ng GMA 7.

Ang sosyal na venue ang pruweba na mahalaga si Ding­dong sa Kapuso Net­work. Maligayang-maligaya ang aktor sa importansiya at pagmamahal na ibi­nigay sa kanya ng home studio niya.

Hindi nga raw siya ma­pa­kali habang papunta sa Manila Polo Club dahil sa ex­citement na naramdaman.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

JEN ROSENDAHL

KANYANG

MANILA POLO CLUB

MARTIN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with