^

Pang Movies

Alex pinaasang best actor sa Cinemalaya!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bading ang tumalo kay Alex Vincent Medina bilang best actor sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival. Ang performance ni Alex sa Babagwa ang panlaban niya at aminado siyang umasa siyang mapapanalunan ang major acting award.

Nasa Bicol pa naman si Alex nang i-relay sa kanya ang imbitasyong pumunta sa awards night. Mabuti na lang daw, hindi niya binalak bumiyahe sa non-aircon bus dahil naiwan siya ng aircon bus. Pero upang makaabot, eroplano na ang sinakyan ng aktor pabalik ng Maynila.

‘Yun nga lang, hindi siya ang hinirang na best actor. Hindi man siya nanalo, natuwa naman si Alex sa resulta ng pelikula.

“Sa akin naman… Galing ako sa Bicol

Pumunta ako sa awards night kasi sinabihan ako. Siguro na lamang, kumbaga, next time, trust your instincts! Hahaha! Sana mas pinili ko na lang ‘yung sa Bicol na ginagawa kong movie for Cinema One naman. Eh talagang gano’n eh. Mahirap talagang mag-expect.

“Pero ’yun na nga. Hindi ako natuwa ako sa ginawa ko. Okay naman ’yung movie. Nung una siyempre… pero natuto na rin ako.

“Solid kasi siya nang mapanood ko. Hindi ko kasi na-appreciate ‘yon nang mag-dubbing ako,” say ni Alex sa ipinatawag na presscon ng ipalalabas na movie.

Nagkaroon man siya ng hesitation nung ipagawa sa kanya ang love scene at masturbation scene, “Pero kailangan eh. Siguro in context. Bumagay naman eh kasi ‘yun ang character ko.”

Kung sakaling magkaroon uli ng ganoong offer kay Alex, aalamin muna niya kung bagay sa kanya at sa kuwento, ang mga daring na eksena.

“Mahirap kasi ‘yung ratsada nang ratsada. Kailangan pahinga rin at balanse,” rason niya.

Ipalalabas na next week ang Babagwa na No. 1 movie last Cinemalaya.

EB Babe biglang sikat na sa sex video

Umalma ang EB Babes member na si Lyka nang picture niya ang lumabas sa isang tabloid pero ang dating EB Babe Yosh Rivera ang nakalagay na pangalan. Eh front page pa naman ang picture na lalong ikinaiyak ng EB Babe.

Rason ng editor, nag-search lang daw siya sa isang website ng name ni Yosh at lumabas nga ’yung picture na inilabas niya. Minsan kasi unreliable ang mga ibang website.

Kinorek naman ng tabloid ang lumabas sa kanilang front page item. Nasa inside pages nga lang.

Nung lumabas lang ang sex video kay Wally Bayola naging biglang sikat si Yosh, huh!

 

vuukle comment

AKO

ALEX

ALEX VINCENT MEDINA

BABAGWA

BABE YOSH RIVERA

BICOL

CINEMA ONE

NAMAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with